Louise delos Reyes' apprehensions: "More than the ratings kasi namahinga ako for more than a year sa acting."

Louise delos Reyes is excited about her "promising" loveteam with leading man Juancho Trivino for GMA-7's new teleserye, Magkaibang Mundo: "Sinasabi kong promising siya kasi iba yung rapport din namin. May something. Hindi ko ma-pinpoint kung ano yun, pero ang gaan din kasing katrabaho ni Juancho."



Positibo at masaya ang Kapuso star na si Louise delos Reyes na ang naisipang ipareha sa kanya ng network at subukan naman ang binubuong loveteam nila ni Juancho Triviño sa Magkaibang Mundo, ang bagong afternoon prime series ng GMA-7 na magsisimula sa May 23.

Ayon kay Louise, may nabuo nang pangalan para sa loveteam nila ayon na rin kay Louise.

Binansagan daw itong JuanLou.

“Sabi ko nga, it’s a breath of fresh air and it’s nice to work with friends,” pahayag ni Louise nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong May 12 sa presscon ng Magkaibang Mundo sa 17th Floor ng GMA Building.

“Parang it’s my first time na magkakaroon ako ng partner na kaibigan ko, kabarkada ko.

“Kasi di ba, nabubuo ang friendship kapag nagka-trabaho kami. Before trabaho, magkaibigan, tapos trabaho ngayon, so it’s nice.”

Nanggaling siya sa loveteam nila ni Alden Richards.

PROMISING LOVETEAM. Hindi ba naging issue sa kanya na baguhan pa rin sa pagiging bida sa Kapuso network ang bagong ipinapares sa kanya ngayon?

“Nauubos na kaya ang leading man!” natawang sabi niya.

“Magiging choosy ka pa ba? Maghahanap ka pa ba?

“And kilala ko kasi si Juancho and alam ko kung paano niya pinaghirapan ang narating niya ngayon, and I think he deserves it.”

Bakit naman niya nasabing “promising” ang loveteam nila ni Juancho ngayon?

“Sinasabi kong promising siya kasi iba yung rapport din namin.

“May something. Hindi ko ma-pinpoint kung ano yun, pero ang gaan din kasing katrabaho ni Juancho,” saad niya.

JUST FRIENDS WITH JUANCHO. Dahil nabanggit ni Louise ang salitang “may something,” tinanong na namin siya at diniretso tungkol sa balitang “may something” nga raw sila dati ni Juancho.

Sabi naman ni Louise, “Naging super close lang talaga kami and magkasama kami sa isang barkada.”

Dugtong din niya, “We used to hang out before, naghang-out hang-out.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba sila nag-date?

“Kape-kape, jogging-jogging,” natawa niyang sabi.

Sinasabi ba niyang walang na-develop na mas malalim na ugnayan sa kanilang dalawa?

“Wala naman, maybe kasi iba ang priorities namin.”

Ngayon kayang sila na ang magka-loveteam, wala kayang made-develop?

“E, tingnan na lang natin. Basta kami, we’re very focused sa trabaho namin.

“Parang siya, first leading role niya. Ako naman, my comeback sa afternoon prime.

“Siyempre, I don’t wanna disappoint the bosses of GMA kung bakit nila pinagkatiwala sa akin ‘to,” pahayag pa niya.

APPREHENSIONS. Ang huling teleseryeng pinagbidahan pa ni Louise ay ang Kambal Sirena.

Masasabing naging kontrobersiyal din siya noong panahong yun hanggang sa tila nag-lie-low siya sa pagiging bida.

May kaba ba ngayon sa bago niyang serye na Magkaibang Mundo?

“Meron!” pag-amin ni Louise.

“Actually po, kami nila Direk Mark [Sicat Dela Cruz], kasi maraming firsts.

“First ng marami sa amin ‘tong show na ‘to.

“First ni Direk na siya ang main unit director. Nagkaroon kami ng dinner para mas lalo naming makilala ang isa’t isa at i-set namin kung ano ba yung mga goals namin.

“After the show, ano ba ang mga gusto naming makuha, anong mga dreams niyo about it, so naging ano kami, we’re on the same page.”

Yung ratings ba ang isa sa mga dahilan ng kanyang kaba?

Ani Louise, “More than the ratings, kasi namahinga ako for more than a year sa aktingan.

“Siyempre, yung instrumento natin, yung acting natin, mangangalawang. Kaya nag-workshop kami, kinuha ulit ang lalim.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN