GUESS WHO: this actress auditioned for the role of Danaya in Encantadia

Thea Tolentino will star in the upcoming series, Once Again, which will be topbilled by Aljur Abrenica and Janine Gutierrez (not in photo).



Umamin si Thea Tolentino na nag-audition siya sa Encantadia, pero hindi ito pumasa.

“Opo nag-audition po ako para sa role ni Danaya.”

May mga nagsasabing bagay sana siya sa role ng Sang'gre na si Pirena, na unang ginampanan ni Sunshine Dizon noong 2006 at gagampanan  naman ni Glaiza de Castro sa 2016 Encantadia requel.

“Okay lang sa akin pero sobrang perfect niya kay Glaiza. Sobrang perfect nung Pirena sa kanya,” ang nakangiting reaksyon ni Thea.

Ang napili naman bilang Danaya ngayon ay si Sanya Lopez. Ang gumanap sa original series ay si Diana Zubiri. 

Hindi man niya nakuha ang role, napabilang naman siya sa Once Again series nina Janine Gutierrez at Aljur Abrenica.

Kontrabida si Thea sa role niya bilang si Celeste Lacson, na gagawing kumplikado ang buhay nina Reign Soriano/Des Javier, na role ni Janine, at Edgar del Mundo/Aldrin Sanchez), an role ni Aljur.

Hindi naman raw ito problema kay Thea kahit na ilang beses na siyang nagbida sa mga serye ng GMA tulad ng pinaka-latest niyang The Half Sisters.

Aniya sa presscon ng nasabing series, “Okay lang po kasi isa naman ako sa main kontrabida so okay lang.

“And as long as may show, siyempre, at saka mapapakita ko yung skills ko sa acting, okay lang sa akin.

"Kasi may kanya-kanya namang ano, malay mo, dito talaga ako sa pagiging kontrabida so wala talaga akong magagawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN