Sheena Halili hosts Laff Camera Action, which replaces CelebriTV

Sheena Halili will co-host Laff Camera Action along with Betong Sumaya.



For the first time ay magiging host ng isang bagong show ang GMA-7 actress na si Sheena Halili.

Never pa raw niyang nasubukan na maging host kaya sobrang natuwa si Sheena nang i-offer sa kanya ang pinakabagong improvisational comedy game show ng GMA-7 na Laff, Camera, Action!

Ang show na ito ay mapapanood every Saturday simula May 28 pagkatapos ng Kapuso show na Imbestigador.

Magpapaalam na sa ere ang CelebriTV, ang talk show kunsaan hosts sina Ai-Ai delas Alas, Joey de Leon, at Lolit Solis. Ang finale episode nito ay mapapanood bukas, May 21. Tumagal ng eight months ang CelebriTV, na ipinalit noon sa Startalk.

Ang co-host ni Sheena sa Laff, Camera, Action! ay ang Kapuso comedian na si Betong Sumaya.

Ang judges naman sa ay ang director na si Cesar Cosme, Gladys Guevarra  at Sef Cadayona.

May kaba raw kay Sheena dahil nasanay lang daw siya na umarte lang sa TV. Ngayon ay may pagkakataon na maging host siya kasama si Betong na sanay na sanay na sa ganitong klaseng trabaho.

“Sobrang thankful ako kasi ibang opportunity naman ito ngayon para sa career ko.

“Never po akong naging host ng isang show. Naging segment host lang ako sa ibang shows ng GMA-7, pero ang maging main host, never pa talaga.
“Kaya may kaba. Pero kailangan focus ako kasi hindi puwedeng may dead air sa show. Kailangan tuluy-tuloy ang chika.

“E, madaldal maman po ako at chikadora kaya sige, ito naman ang gawin natin.

“Ang hinihingi lang po nila sa akin, bilang Sheena Halili dahil nga po ito ay hindi scripted.

“Pinili po nila kami ni Kuya Betong based po talaga sa personality namin.

“Feeling ko alam naman po talaga nila kung hanggang saan ako bilang komedyante, bilang artista.

“Happy ako dahil bagong opportunity, bagong door na nag-open sa akin,” pahayag pa ni Sheena sa press launch ng Laff, Camera, Action sa GMA Network Center noong nakaraang May 17.

Maganda raw agad ang chemistry nila ni Betong kaya katutuwaan daw ng marami ang tandem nila na kung tawagin ay BetSheen.

“Oo at BetSheen po kami ni Kuya Betong! Paki-hashtag po!” tawa pa ni Sheena.

“Kami naman ni Kuya Betong, nagkakasama na kami before sa mga guestings. Kaya kilala ko na siya pati na ang style niya sa comedy.

“Itong hosting naman, alam ko na magaling siya dahil ilang beses na rin niyang ginawa. Kaya sabi ko, alalayan niya ako kapag pakiramdam niya ay nagkukulang ako.

“Sabi naman ni Kuya Betong sa akin, na huwag ko lang isipin na napakalaki ng project na ginagawa namin. Treat lang namin na normal lang. Kasi kapag inisip ko raw na sobrang laki, doon ako kakabahan talaga.

“Tama naman siya kasi mahirap ‘yung ma-pressure kaming pareho. Kaya okey na normal lang ang pakiramdam namin. Parang katuwaan na lang. Para walang ma-pressure ng sobra.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN