Eugene Domingo elated over second season of Dear Uge comedy anthology

Eugene Domingo is happy about the second season of her comedy anthology Dear Uge: "Sinorpresa nila kami sa pag-announce ng second season ng Dear Uge. Happy ako for the staff of the show dahil tuluy-tuloy ang trabaho namin lahat at masaya kami tuwing may taping."



Bago lumipad patungong Europe ang GMA-7 comedienne at TV host na si Eugene Domingo, nakapagsimula na ito ng kanyang taping para sa second season ng kanyang comedy anthology na Dear Uge.

Masayang-masaya si Uge dahil hindi niya inaasahan na mabibigyan ang show nila ng ikalawang season.

Buong akala niya ay magsisimula na siya ng kanyang taping para sa pagbabalik ng award-winning comedy game show na Celebrity Bluff.

“Yun kasi ang alam ko.

“Pero sinorpresa nila kami sa pag-announce ng second season ng Dear Uge.

“Happy ako for the staff of the show dahil tuluy-tuloy ang trabaho namin lahat at masaya kami tuwing may taping.

“Chill lang kami at walang matinding stress, unlike kapag gumagawa ka ng teleserye.

“Dito sa Dear Uge, we’re like one big happy family na madalas magbiruan, nagkakatawanan kami, but we get the job done right.

“In between naman kasi, may mga exchange of ideas kami for each scene.

“Thankful ako, kasi ang creatives ng Dear Uge ay mga bata at fresh ang mga ideas nila.

“So to give us a second season, it means na nagustuhan ng marami ang mga inu-offer namin every week.

“Magandang sign iyon, kaya thank you Lord for this blessing sa aming lahat,” pahayag ni Uge nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Dear Uge sa Masambong, Quezon City.


FOCUS ON MARRIED COUPLES. This season daw ay magpu-focus ang Dear Uge sa mga mag-asawa at sa iba’t ibang hugot meron ang relasyon nila.

“Season one kasi, it’s all about sa individual relationships with your sibling, your family, your neighbor at kung sinu-sino pa sa paligid mo.

“Ngayon, gusto namin sa mga mag-asawa naman. Uso kasi ang mga hugot-hugot, di ba?

“Mag-explore kami diyan at bibigyan namin ng solusyon in a happy manner ang mga hugot na ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Most of our stories kasi ay based on sa mga situations ng mga tao sa buhay nila.

“Ngayon, we are welcoming real stories ng mga mag-asawa at gagawan namin ito ng kuwento in an entertaining way.

“Pampa-good vibes kami dito sa Dear Uge. Chillax lang para masaya lahat,” ngiti pa niya.

GROWING CAST. May nadagdag nga sa cast ng Dear Uge at ito ay ang comedian na si Atak Araña. Ito ang magiging ka-loveteam ng sidekick ni Uge na si Divine Aucina.

“Siyempre, lumalaki ang pamilya ng Dear Uge at binigyan na ng ka-partner si Divine.

“Ewan ko lang kung paano mangyayari sa kuwento nila.

“Basta maaliw na lang tayo sa kanila!” sabay tawa ni Uge.

EUROPEAN VACATION. Ten days ngang magbabaksyon si Uge sa Europe para makapagpahinga.

Sa United Kingdom at Italy ang tungo niya.

“Yearly naman may bakasyon ako. Para lang makapag-unwind, mamasyal at makakuha rin ng mga bagong ideas.

“Iyon lang naman ang time na hindi ka nangangarag sa trabaho, di ba?

“Saka I deserve naman a break once in a while. Magpapaka-turista naman muna ako for a change,” tawa pa niya.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN