Sef Cadayona: "Tinatanong ko rin sa sarili ko kung may karapatan na ba akong mag-judge ng ibang comedians."

Sef Cadayona explains his role as one of the judges in GMA-7's latest improvisational comedy game show, Laff, Camera, Action: "Yung part ko, idya-judge ko sila sa paraan na walang mao-offend. Hahanapan ko ng magandang points ang performance nila, pero may konting sarcasm lang kung hindi ako masyadong natuwa."



Isa pala dapat sa mga contestants ng bagong improvisational comedy game show ng GMA-7 na Laff, Camera, Action ang GMA-7 comedian na si Sef Cadayona.

Pero dahil sa mga naging achievements niya bilang isang comedian sa TV, ginawa na siyang isa sa tatlong judges ng show na binubuo nina Gladys Guevarra at Direk Cesar Cosme.

“Noong una po nila akong kinausap, contestant ako dapat.

“Noong balikan nila ako ulit, isa na raw ako sa magiging judges ng show.

“Siyempre natuwa naman ako kasi ibang level na iyon.

“Kasama ka na sa pag-judge ng mga contestants. Kumbaga parang may say ako sa mga magiging performance nila.

“First time kong maging judge sa isang contest, at sana naman, may kabuluhuan ang mga sasabihin ko at nawa’y makinig sila at sundin ang magiging payo sa kanila,” pahayag ni Sef nang makapayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Laff, Camera, Action sa GMA Network Center.

CREDIBLE JUDGE? Dahil ang idya-judge ni Sef ay mga live show comedians na ilang taon na sa trabaho nila, kinukuwestiyon tuloy kung ano ang karapatan niyang umupo bilang judge dahil kung tutuusin ay baguhan pa rin siya pagdating sa pagpapatawa.

“Bilang baguhan pa rin naman sa industriyang ito, tinatanong ko rin sa sarili ko kung may karapatan na ba akong mag-judge ng ibang comedians, lalo na yung mga mas nauna pa sa akin.

“Hindi naman po siguro nila ako gagawing judge ng show kung sa tingin nila ay hindi pa ako karapat-dapat, di ba?

“Para po sa akin, iba-iba ang genre ng comedy.

“Iba-iba na ang levels niya. Kaya po tatlo kami na galing sa iba’t ibang generations na may kinalaman sa comedy ang kinuhang judges.

“Yung part ko, idya-judge ko sila sa paraan na walang mao-offend.

“Hahanapan ko ng magandang points ang performance nila, pero may konting sarcasm lang kung hindi ako masyadong natuwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Katuwaan lang naman talaga ito.

“And I guess yung mga contestants namin, sanay na sila na nahuhusgahan sila sa performance nila onstage.

“Dahil yung iba nga ay ilang taon na nila ginagawa itong pagpapatawa, makakaya naman siguro nilang matanggap ang mga comments namin sa kanila,” diin pa ni Sef.

VERSATILE. Matatawag na versatile performer si Sef dahil kaya niyang magpatawa, mag-drama at mag-perform sa stage bilang isang mahusay na dancer.

Nanalo na rin si Sef ng ilang awards (Best Actor in a Comedy Series and Outstanding Supporting Actor in a Gag or Comedy Show) para sa kanyang comedic performance sa Bubble Gang.

Nagbida na rin siya sa sarili niyang comedy series na Juan Tamad.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN