KC Concepcion gives tell-all interview on "The Buzz"


KC Concepcion and her father Gabby Concepcion will be gracing the August 10 episode of ABS-CBN's showbiz talk show, The Buzz.



Magsasalita na sa kauna-unahang pagkakataon si KC Concepcion sa lahat ng mga isyung bumabalot sa kanyang katauhan. Haharap na si KC sa isang exclusive tell-all interview with the King of Talk na si Boy Abunda sa The Buzz ngayong Linggo, August 10.

Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na maggi-guest ng live si KC sa Sunday showbiz-oriented show ng ABS-CBN hosted by Boy, Cristy Fermin, and Ruffa Gutierrez. Lahat ng isyu sasagutin ni KC tulad ng tunay na relasyon niya sa kanyang ina na si Megastar at sa kanyang ama na si Gabby Concepcion.

Babasagin din ni KC ang kanyangn katahimikan sa matagal na hidwaan ng kanyang mga magulang at saloobin tungkol dito. Lahat haharapin ni KC pati na ang iba pa'ng mga intriga at isyung kinahaharap niya mula nang pasukin niya ang showbiz.

Bukod sa kaabang-abang na exclusive tell-all KC interview, hindi rin dapat palampasin ang live exclusive interview ni Gabby upang magsalita sa mga isyung hindi niya nasagot dati. Ito rin ang kauna-unahang pagkikita ng mag-ama sa iisang programa.

Mapapanood din sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo upang lasapin ang tagumpay ng kanilang pelikulang A Very Special Love.

Kaabang-abang din ang live guesting ni Comedy King Dolphy at Junior Comedy King Vic Sotto. Sa The Buzz rin mangyayari ang kauna-unahang talk show guesting ni Lani Misalucha na dumating ng bansa kamakailan.

Guest din ang nababalitang magkasintahan na sina Anne Curtis at Sam Milby sa The Buzz. Aminin na din kaya finally nina Anne Curtis at Sam Milby ang kanilang relasyon?

Mapapanood ang lahat ng ito sa The Buzz sa ganap na alas-kwatro ng hapon sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN