Piolo explains why he does not want Toni Gonzaga replaced in Written in Our Stars

Piolo Pascual declined the offer of ABS-CBN to replace Toni Gonzaga in Written in Our Stars.




Para kay Piolo Pascual, isang blessing at perfect timing ang pagbubuntis ng kaparehang si Toni Gonzaga para matapos niya ng maluwalhati  at maayos ang pelikulang Love Me Tomorrow.

Nakalinya nang gawin ng aktor ang teleseryeng Written in Our Stars pero dahil sa pagdadalang-tao ng tv host/actress ay pansamantalang on hold ang nasabing serye.

Nakapanayam ng PEP.ph at Cinema News ang aktor sa katatapos na Star Magic Sports Fest nung Linggo na dinaos sa Celebrity Sports Plaza.

“Tin got pregnant and I think it’s a blessing because I really want to focus on the movie. Ayoko kasing pagsabayin ang movie and soap nakakapagod, nakakaubos. Di ko naman sinasabi na buti nagbuntis si Tin, I look at that as blessing na rin kasi para di sabay-sabay ang trabaho, walang magsa-suffer. I wish her the best, I hope for the best.”

Kinuwento ng aktor na may ibang leading lady na inalok sa kanya na pamalit kay Toni pero tumanggi siya dahil ang aktres pa rin talaga ang gusto niyang makapareha sa naturang serye.

“They are offering me another leading lady to replace Tin pero sabi ko two weeks na yung nakabangko namin.

“Talagang naka-program na ako, nakakundisyon na ako na si Tin talaga ang ka-partner ko. Once na okay na siya, fit to work, tutuloy namin.

“We’ve always wanted to work together for TV, we believe na ito yung right concept for us both. More with Sarah Lahbati, with Jolina [Magdangal], ang tagal ko ng di nakasama si Jolens saka si Samuel [Sam Milby].

“Sana di masayang yung proyekto kasi ang laki na rin ng ginastos ng kumpanya. Hayun once na ready na ang lahat, gagawin namin.”
 
P13 million ang kinita ng Love Me Tomorrow sa first day nito sa box-office.


(Read: Piolo-Dawn-Coleen movie Love Me Tomorrow earns P13 million on opening day)
 

Para kay Piolo anuman ang magiging outcome ng pelikula ay pinaubaya na niya sa Nasa Itaas at sa mga manonood.

“Kasama naman sa pakete 'yan, e, everything that we do para kang nagle-labor, para kang may pino-produce na bata. Once na ma-conceive mo 'yan, once na mapanganak mo ‘yan, basta naipalabas mo ‘yan, it’s not on your hands already. The one that I can do is to pray about it and hope for the best.

“Ang importante naman diyan team player ka, you give 100% of your effort, time, your professionalism. That’s all that matters, as long as you know you left a good mark sa set, sa mga kasama mo sa trabaho, basta binigay mo ang best mo, bahala na si Lord dun.”
 
Bilang standard bearer ng Star Magic, si Piolo ay laging present sa Star Magic Sports Fest.

Ayon sa aktor ay mahalaga ang taunang event na ito ng Star Magic sa kanilang mga Star Magic talents.

“First of all it’s a parang homecoming para sa akin kasi I get to hang out with my Sunlife family which has been a partner of Star Magic Sports fest through the years so I got to play with them at the same time I got to see my friends from Star Magic.

“You just come for the spirit of sportsmanship nakakatuwa because para siyang eskuwelahan talaga. You got to experience everyone sa ball at the same time you got to see them na 'di naka makeup, 'di kailangang mag-perform. It’s all about sports, its all about bonding and getting to know each other better. Yung mga baguhan at the same time yung mga luma.

“It is significant for all of us coz important na makilala naming ang mga kasamahan namin. Di naman kailangang isipin na competition yung colleagues mo because at the end of the day we’re always trying to find a job.

“It is important na may ganito tayo para at least para tayong nasa eskuwelahan, makilala mo yung mga kapatid mo at alam mo rin ang posisyon mo sa industriya.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN