Sef Cadayona proud of working with Cannes Best Actress Jaclyn Jose

Sef Cadayona feels proud of his A1 Ko Sa Yo co-star Jaclyn Jose, who was recently hailed as the Best Actress in the 69th Cannes Film Festival: "Hindi namin ma-express kung gaano kami kasaya. First time na may nanalo ng ganitong ka-prestigious na award, sobrang galing and we're looking forward to work with her again and again."


Kung meron mang isang GMA-7 star na hindi halos nababakante at sa halip ay nagkakasabay-sabay pa ang mga proyekto, ito ay si Sef Cadayona.

Nawalan man siya ng isang programa, siguradong may kapalit naman ito agad.

Nawala ang Juan Tamad niya, pero dalawang bagong programa agad ang ibinigay sa kanya ng GMA-7.

Ayon kay Sef, “Yun nga po, unang-una, gusto ko lang pong magpasalamat sa GMA, sa palaging pagbibigay ng projects sa akin.

“Nakakatuwa lang po, nakakatuwa nga po.

“Nagkaroon ako ng dalawang bagong babies ngayon.

“Yung Laff, Camera, Action at ito pong A1 Ko Sa Yo. Ito po yung sobrang saya.

“Lalo na at nakasama po namin si Ms. Jaclyn Jose sa palabas na ‘to.

“Hindi namin ma-express kung gaano kami kasaya.

“First time na may nanalo ng ganitong ka-prestigious na award, sobrang galing and we’re looking forward to work with her again and again.”

Kamakailan lang ay itinanghal si Jaclyn bilang Best Actress sa kakatapos lang na 69th Cannes Film Festival sa France.

CREATIVE INPUTS. Pagdating sa creative aspect, may mga input din ba siya sa A1 Ko Sa Yo?

“Yun po ang nakakatuwa po, nagkakaroon po ako minsan ng privilege.

“Siyempre, kausap po namin ang mga writers, tinatanong po ako kung ano po ang mga gusto ko for the role or kung paano po nangyayari ang mga eksena.

“Nakakatuwa lang kasi, binibigyan nila ako ng ganung tiwala, and I guess ang laki po ng factor na dahil nga sa Bubble Gang, nakikita nila ang potential ko na puwede po akong magsulat at gumawa ng mga sketches.”

Natutuwa rin daw siya dahil kahit ang director nilang si Randy Santiago ay tinatanong din siya minsan.

“ Nakakatuwa lang po, lalo na si Direk Randy. 'Sef ano, ano ang gusto mong gawin dito?'

“'Ako po? O sige, ‘eto,'” masayang sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Sef sa presscon ng A1 Ko Sa Yo sa 17th floor ng GMA-7 noong May 24. 

ARE COMEDIANS PLAYBOYS? Natawa naman si Sef nang tanungin kung naniniwala siya sa sabi-sabing ang mga komedyante raw ay malapit sa mga babae.

“Sabi ko nga, for the first time, after ng napakaraming beki roles na ginagampanan ko, this is the first time na sobrang playboy yung magiging character ko,” lahad niya.

Biro namin kay Sef, parang true-to-life lang?

“Hindi naman, hindi naman true-to-life. Stick to one naman,” natawa niyang sabi.

Dugtong pa niya, “Nanghihingi na lang ako ng advice doon sa mga kakilala ko. Hindi ko na sila papangalanan.

“Pero parang mas nakakatawa yung role. First time ko lang siya gagawin kaya hindi rin ganun kadali.

“Sasabihin ng mga tao, ang dali ng ginagawa mo, hindi, may mga tamang salita, e. Baka mamaya makabastos ako.”

MISSING DRAMA ROLES. Sa isang banda, nabigyan na rin ng rekognisyon si Sef sa drama. Halos mga comedy ang ginagawa niya, hindi ba niya nami-miss ang mag-drama?

Pag-amin niya, “Nami-miss, nami-miss ko rin talaga. Pero kasi, yun ang direksiyon na gustong ibigay sa akin ng GMA, parang straight na comedy.

“Pero siyempre, nami-miss kong mag-drama.

“Especially run sa show ni Ate Reg [Regine Velasquez], comedy siya pero may drama.

“Sabi ko nga, kailan kaya ako makakapag-guest? At least, hindi man ako maging regular sa isang teleserye, maging guest lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN