Daniel Matsunaga and Erich Gonzales ecstatic about Be My Lady's extension until October

Reel- and real-life lovers Daniel Matsunaga and Erich Gonzales on the success formula of their ABS-CBN teleserye, Be My Lady, which is now on its second extension: "Siguro it's the story talaga. Kasi lahat ng tao nakaka-relate. Tayong mga Filipino, pinanapakita natin doon paano tayo pagdating sa pagsubok, pinapatatag tayo ng pagkakataon."



Kinumpirma mismo nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga na extended until October 2016 ang pinagbibidahan nilang teleserye, ang Be My Lady.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na na-extend ang naturang serye dahil na rin sa consistent high ratings nito at magandang feedback mula sa mga manonood.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa magkasintahan noong May 25 sa ginawang suprise announcement ng Be My Lady sa ELJ building ng ABS-CBN, nagkuwento ang dalawa tungkol sa mga dapat pang abangan sa kanilang daytime series.

Panimulang pahayag ni Erich, “We have a big, big suprise para sa inyo.

“We will also be able to see our Kapamilyas abroad very, very soon.

“Masaya, makikita ni Pinang ang pamilya ni Phil at yung story niya, yung background niya.

“For the second time, extended uli ang Be My Lady. Sa ngayon hanggang October kami, five more months.

“Ngayon lang naming nalaman, grabe, nagtatalon kami dito. Bukod sa aming mga artista, masaya din ang staff and crew.

“Madadagdagan ang mga characters dito, bagong characters.

“Yes, definitely, since extended yung show, pero wala pang final kung sino ang papasok na mga Kapamilya.

“Pupunta po sila Phil and Pinang para sa kanilang love story.

“Kasi ngayon sa love story nila Phil and Pinang, nasa ligawan stage pa lang sila so definitely after nun magiging sila na.

“Makikita natin ang conflicts kung paano ang relationship ng isang foreigner at isang Filipina.


THANKFUL TO VIEWERS. Ayon nga sa dalawa, hindi nila inasahan na ganitong kainit ang magiging pagtanggap ng publiko sa Be My Lady.

Sabi ni Daniel, “We saw that the story is tungkol sa pamilya, tungkol sa pag-ibig, yung values ng Filipino culture.

“We had the idea that people would get inspired by the story and all.

“It’s really a blessing. God is good that our show is doing great.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We are very thankful sa lahat ng nanood. Siyempre our fans at lahat ng tao abroad. Sobrang ganda ng comments ninyo para sa amin. We’re very, very happy, very proud.

Tinanong din namin sila Erich at Daniel kung ano sa palagay nila ang mayroon ang Be My Lady at tinututukan at pinapanood talaga ito ng mga televiewers.

Pahayag ni Erich, “Siguro it’s the story talaga.

“Kasi lahat ng tao nakaka-relate.

“Tayong mga Filipino, pinanapakita natin doon paano tayo pagdating sa pagsubok, pinapatatag tayo ng pagkakataon.

“Sama-sama ang pamilya kahit gaano kahirap ang buhay, basta nandiyan kayo sa isa’t isa, makakayanan nating lahat.

“Of course, kasama ang pamilya.”

Sabi naman ni Daniel, “A lot of people got inspired by that. The values of the Filipino culture and all.

“You can see how close they are, how lambing they are for each other.

“In spite of all the problems, lahat tayo may problema, pero in spite of problems you can go with it together with your own family.”


STRONGER, DEEPER RELATIONSHIP. Aminado naman ang mag-boyfriend na ang pagtatambal nila sa Be My Lady ay nagpalalim at nagpatibay ng relasyon nila.

Pagkumpirma ni Erich, “Yes, masasabi po naming na mas close kami ngayon.

“We are growing talaga. We support each other and yung love, always there naman. Respeto.”

Hirit naman ni Daniel, “Yes, trust, respect saka kahit minsan wala kaming taping, we go to each other’s taping to support.

“To be there for each other all the time, ups and downs.”

Sa pagsasama din ng dalawa sa Be My Lady ay naging daan para mas higit na makilala nila Erich at Daniel ang isa’t isa.

Pag-amin ni Daniel, “I knew that she’s very special since I met her, but by the time that we were working together, a lot of people were saying, 'Ang hirap nun. Are you sure na gusto ninyong magkatrabaho together?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa relationship kasi, minsan ano... people break up.

“Sa amin as I can see, we are going stronger. I really got to appreciate her presence with me there.

“We get to spend more time together, at the same time, I got to learn a lot.

“We got to see the beautiful Pampanga and all the scenes that we are doing. All of the cast are all very mabait, parang pamilya talaga.”

Dagdag pa ni Erich, “Mas nakilala ko talaga siya bilang tao.

“Sobrang buti niya sa lahat ng tao sa paligid niya. He makes me a better person.”

SINGAPORE TRIP. Binalita rin ni Daniel na sa darating na July ay pupunta sila sa Singapore para ma-meet nang personal ang mga tagahanga at avid televiewers ng Be My Lady doon.

Aniya, “July. We are going there on July to see our Kapamilyas.”

WEDDING SOON? Dahil sa palalim pang relasyon ng mag-boyfriend, marami tuloy ang nagtatanong at nag-aabang kung kailan daw kaya ang kasalan.

Lahad ni Daniel, “May plano kami, but for now, surprise.

“Like our show, gusto namin forever like our relationship.”

Pahabol naman ni Erich, “In God’s time, we will let you know.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN