Erich Gonzales on being hailed as Daytime Teleserye Princess: "I don't put it in my head."

"We will make forever happen," says Erich Gonzales about her relationship with Daniel Matsunaga, "Very, very thankful po that I have him."



Pareho nang may titulo ngayon ang magkasintahang Daniel Matsunaga at Erich Gonzales bilang "Daytime Teleserye Prince and Princess" dahil sa tagumpay ng kanilang morning drama series sa ABS-CBN, ang Be My Lady.

Ano ang pakiramdam maging "Daytime Teleserye Princess"?
 
Ayon kay Erich, “Honestly, I don’t put it in my head.

“Yung reward talaga for us is when people go to you and tell you na, ‘Grabe, super yung show niyo, nakaka-inspire.
 
“‘They make us laugh, they make us happy after a long day of work. Uuwi kami sa bahay ’tapos manonood kami.’ 

“Sobrang saya silang matutulog kasi a lot of people don’t get to watch it sa eleven-thirty a.m.

“So sometimes, IWantTV na lang or TFC [The Filipino Channel].”
 
Saan niya nakikitang nakaka-relate ang mga manonood sa teleserye nila?
 
“Siguro po, tayo kasing mga Filipino, when it comes to ano—family talaga.

“Yung mga struggles bilang isang pamilya, minsan gipit tayo o kaya, yung magtutulung-tulungan.
 
“At saka doon kasi sa Be My Lady, ipinapakita talaga na tulong-tulong tayo, walang susuko. 

“Ganun naman talaga tayong mga Pinoy.

“Kahit nga binabagyo na tayo, ngingiti pa rin, babangon pa rin.”
 
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan lang sa ABS-CBN compound kunsaan, may pictorial sila para sa isang magazine.

Katulad ni Daniel, naniniwala rin daw si Erich na may forever pagdating sa kanilang relasyon.
 
“We will make forever happen,” ang nakangiti niyang sagot.
 
Masaya lang daw sila ni Daniel sa kung anuman ang meron sila sa kanilang relasyon.
 
Sabi nga ni Erich, “Very, very thankful po that I have him. I have someone na ganyan, very vocal pa. 
 
“It’s very rare nowadays for someone na maging open talaga sa feelings niya.

“Yung iba, patago-tago pa. Pero siya talaga, very transparent.  I’m praying na talaga na siya na.”
 
Nasa estado na ba sila na napag-uusapan na nila yung tungkol sa pagpapakasal?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinasabi niya po, pero ewan ko lang po sa kanya,” pag-amin naman ni Erich.

EXTENDED. Parang nagkatotoo ang sinabi ni Erich na gusto niya, forever na sila.
 
“Sana forever,” natawang biro niya na ang tinutukoy ay ang morning teleserye nila.

Kailan lang kasi ay inanunsiyo na siguradong hanggang October mapapanood ang Be My Lady.

Pero ayon kay Erich, “Ang totoo, ang gusto ng management talaga, super tagal pa.

“Siyempre kami, ayaw naman namin kung super stretch na, so hanggang kaya po.”
 
Hindi raw inexpect ng aktres na mag-eextend nang una niya itong ginawa.
 
Sabi niya, “Walang expectation kasi ako, I just do my job, you give your all.

“Siyempre, you just hope and pray na tanggapin at suportahan ng mga tao.
 
“Sobrang thankful lang talaga kami na naging parte na kami ng pang-araw-araw nilang buhay.

“And in some ways, parang nakaka-relate sila sa characters namin like si Pinang, kay Phil.

“Mga kaibigan kong bully, mga nanay at tatay, kapatid na nang-aalaska.”
 
 
CREATIVE PINOYS. Sa mga hindi nakakaalam, viral na ngayon at ang dami na rin gumagawa ng sariling version nila ng kantang “Tatlong Bibe” na sa Be My Lady nga raw una itong narinig muli.
 
Ayon kay Erich, “Nakakatuwa, kasi we really had no idea about 'Tatlong Bibe.'
 
“Ang alam ko lang, nursery rhyme po siya ‘tapos first time naming marinig sa isang eksena sa Be My Lady.

“Dahil si Phil, marami siyang bibe, na para sumunod sa ‘yo ang mga bibe, kailangang kantahan. 

“E, nagpauto siya, so yun na yun.
 
“Sa Be My Lady page po, nandoon ang compilation ng lahat ng nagse-send ng kanilang entry.

“Nakakatuwa kasi, kung saan-saan na siya umabot. 

“Sobrang creative ng Pinoy, ang galing.”
 
Samantala, araw-araw ay nagkakasama ang magkasintahang Erich Gonzales at Daniel Matsunaga dahil sa kanilang morning serye.
 
Ayon kay Erich, “Almost every day na po kaming nagti-taping kasi naabutan kami sa script ng airing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya literal na taping kunwari ngayon, bukas magsa-shower ka lang, balik na agad sa set.
 
“Walang reklamo, kahit lahat ng tao, mga staff and crew.”
 
Naitanong tuloy si Erich kung hindi nagiging problema dahil ang ABS-CBN ang sinasabing isa sa mga unang nag-iimplement ng tamang production working hours.
 
“Na-iimplement na sila, pero kung may mga eksenang hindi kayang matapos ng twelve, okay lang yun na mag-extend. 

“Walang problema, we’re sanay naman na mag-shooting ng more than twenty-four hours pa.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN