Roi Vinzon: from homophobic father to closet gay in sexy comedy A1 Ko Sa Yo

Roi Vinzon says about playing a closet gay in the sexy comedy series A1 Ko Sa 'Yo: "Sana they will accept me as I am and enjoy the character."



Sa unang pagkakataon ay gaganap ang former action star na si Roi Vinzon bilang isang closet gay na may-ari ng isang gym sa sexy comedy series na A1 Ko Sa 'Yo.

Dahil first time na gagawin ito ng aktor, humingi pa raw ito ng pointers sa kanyang co-stars na sina Gardo Versoza at Sef Cadayona na mga experts na sa pagganap bilang mga bading sa mga teleserye ng GMA-7.

Malayo ito sa ginampanan noon ni Roi na isang homophobic father sa breakthrough teleserye na My Husband’s Lover in 2013.

“Ang ganda nung twist ‘no? North and south. Opposites.

“Huwag lang dibdibin ng mga tao ang roles ko dahil minsan nakakabaliw.

“I love the story, saka yung role ko very different from what I’ve done with GMA-7.

“Exciting kasi ang sitcoms at ito ang mga hindi ko nalalabasan pa, e.

“The fans will hopefully love Primo. Lalo na yung mga action fans ko, they know me as a killer minsan. Sana they will accept me as I am and enjoy the character they’ll see me in,” pahayag ni Roi nang makapanayam namin siya sa press launch ng A1 Ko Sa 'Yo sa GMA Network Center.

Ang advice nga raw ni Gardo sa kanya ay i-enjoy ang kanyang role at huwag niyang masyadong pag-isipan.

Isipin lang daw nito na ini-entertain niya ang maraming tao sa kakaibang role niya bilang beki.

“Sabi nga ni Gardo, madali pa raw ang role ko kasi hindi ko pa kailangan magsuot ng bestida at mag-make-up. Kasi siya nagawa na raw niya iyon!” tawa pa niya.

“Sinabi rin ni Direk Randy [Santiago] sa akin na it’s time na I explore new characters in my career.

“Kilala ako ni Randy kasi ilang beses kong nakatrabaho ang daddy niya si Direk Pablo Santiago sa mga action films. Kaya alam niya na astig parati mga roles ko.

“Now I need to embrace my new role para na rin sa ikasasaya ng maraming tao and for me to experience a different role and entertain a whole new generation of televiewers.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN