Sunshine Dizon trains under former Power Ranger to prepare for Encantadia 2016

Original Sang'gre Pirena Sunshine Dizon (wearing blue) returns to Encantadia but as a different character. In this new version, Glaiza de Castro is the new Pirena.



Nang makausap namin ang GMA-7 actress na si Sunshine Dizon sa opisina ng PPL Entertainment Inc. sa Scout Area kamakailan lang, nalaman namin na nakapagsimula na siya ng taping para sa requel (remake + sequel) ng Encantadia.
 
Kinumpirma na sa mga orihinal na Sang’res noon, bukod-tanging si Sunshine lang ang mapapanood muli sa Encantadia 2016 pero bilang ibang karakter.
 
Yun nga lang, hindi pa niya puwedeng i-reveal kung sino siya ngayon sa Encantadia.
 
“As of now, hindi pa puwedeng banggitin yung name, hindi rin puwedeng banggitin kung ano yung pinaka-character kasi, yung part ng story ko, hindi siya kasama sa old story.
 
“Parang revelation siya...
 
“Hindi ko rin puwedeng sabihin kung bad ba ko or good, hindi ko rin puwede pang sabihin kung ano ang name ko,” saad ng Kapuso actress.

Sinagot naman ni Sunshine ang tanong namin sa kanya kung wala ngang koneksiyon ang bago niyang karakter sa dati niyang ginampanan na si Pirena.
 
“Wala,” saad niya.
 
“It’s a totally different character, but rest assured, I’ll be there from beginning to end, yun ang puwede kong bitawan.”
 
Wala rin daw idea si Sunshine nang kino-conceptualize na dati ang bagong Encantadia na makakasama pala siya.  Lalo pa nga’t alam din daw niya na si Dingdong Dantes lang ang makakasama pa rin mula sa orihinal na cast.
 
Ayon kay Sunshine, “They really kept it a secret.
 
“Actually, when Kuya Perry [Lansigan] called me up, sabi ko pa kay Kuya Perry, ah talaga, totoo? Seryoso ba ‘yan? Wala talaga kong idea.  Kaya everybody, when they asked me, ang sagot ko lang, I’m not sure, I’m not even anything na kasali.  Ang alam ko lang, si Dong lang ang kasali.
 
“Pero parang they want to keep it quiet talaga.  Ewan ko kung ano reason nila Tita Suzette [Doctolero, head writer], pero parang yun ang gusto nila, surprise to everybody.”

Masaya si Sunshine nang malaman niyang makakasama siyang muli at may bago pa siyang karakter na gagawin.
 
Sabi nga niya, “Iniupo naman nila kami ni Kuya Perry. Maganda naman ang nilatag nila, maganda rin ang mga pinangako nila.”
 
Naisuot na rin daw niya ang costume niya nang mag-taping siya.
 
Bilang siya lang ang Sang’re na kasamang muli, ano ang pakiramdam na may bago siyang costume para sa Encantadia?
 
“Actually, kabado ako. I cannot go into details, basta all the lines were [enchantments]. Siyempre, nagkabulol-bulol na ko. May fight scene agad, hindi pa ko nakapag-proper training.
 
“For my first day, parang, I’m back!  Sila Direk Mark [Reyes], sabi ko Direk, nabubulol ako.  Sabi niya, hindi, kaya mo ‘yan. We’re expecting a lot from you.  Medyo mahirap but it was fun after the shoot na, okay, kaya ko pa rin naman.
 
“Tapos, tinatanong ko run sa mga kasama ko after the fight kung graceful naman. Sabi nila, graceful pa rin naman daw akong kumilos.”

Natawa si Sunshine nang tanungin namin siya kung ano ang mga naging preparasyon niya.
 
“Marami!” natawang sabi niya.
 
“Nagpapapayat, nagdyi-gym.  Tapos parang ang gagawin yata nila ngayon, kapag may mahaba kang fight scene, one day before taping, may training. Kasi, big time yung trainer.
 
“Siya yung si Red Ranger sa Power Rangers, siya yung gumagawa ng mga fight scenes. Pinoy siya, pero puro American [shows] ang ginagawa niya.”

Nag-post si Glaiza de Castro ng larawan nilang dalawa nang magkita sila.  Pero ayon kay Sunshine, hindi pa raw talaga sila nagkaka-usap ng bagong Pirena ngayon.
 
“Actually, hindi pa kami nakakapag-usap ni Glaiza.  But since si Gabby [Eigenmann] is Glaiza’s best friend, I told Kuya mga inputs, ganyan. Sabi ko naman to let her know that I’m open anytime.
 
“Not only to Glaiza but to everyone if they need help, you know, just come to me.”


PINOY POWER. Nang makausap namin si Sunshine sa opisina ng PPL, nagpunta ito para personal na batiin din ang kapatid niya sa management na si Jaclyn Jose. Nanalo si Jane (palayaw ni Jaclyn) ng Best Actress sa 69th Cannes Film Festival para sa crime drama film na Ma' Rosa.
 
Hindi pa raw nananalo, binati na niya ang aktres.
 
“Siyempre, nakaka-proud. Nauna na nga akong mag-congratulate sa post. Na parang na-predict ko. 

“E, kasi, nag-send si Tita Jane ng picture sa Viber, grinab ko yun, pinost ko lang.  Congratulations Tita Jane, Ma' Rosa, Cannes.  Pero hindi pa siya nananalo no’n.
 
“Nakaka-proud, sobrang nakaka-proud,” saad niya.

Bilang isang aktres, ang nangyari raw kay Jaclyn ay isa sa masasabi niyang pangarap nilang lahat.
 
Ayon kay Sunshine, “Sabi ko nga, ako, kahit extra, makasama lang ako sa red carpet ng Cannes.  Kasi, hindi ko pinayagan ng manominate ako sa Toronto International Film Festival, may Villa Quintana yata ako nun.
 
“I clearly remember, si Tita Cherie Gil, noong opening nila Tito Perry's Stockpile, sabi niya, 'O, you were nominated, why you didn’t attend?'

"Si Tita Cherie naman ang nanalong Best Actress.  Nakaka-touch lang to hear from her, e, she’s really my idol.”

Naniniwala naman si Sunshine na ang pagka-panalo ni Jaclyn sa Cannes ay mas magiging daan pa para mas marami pang artista sa Pilipinas ang mabigyan ng pansin sa international scene.
 
“Dapat lang, kasi ang daming mahusay na Pinoy. Kapag Pinoy siguro ang makaka-trabaho nila, lalamunin sila ng buo, totoo.
 
“Kasi, it takes a while for foreigner to get into their emotion, e.  Hindi kasi sila ganun ka-emotional.  So pansinin mo, usually kapag lumuha, isang patak lang. Hindi katulad ng Pinoy, very in touch tayo sa emotions. Kahit saan mo itapon, go.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN