Bea Binene says fans sometimes call her "Aso" for her portrayal of feral child



Malapit na halos magtapos ang afternoon series na Hanggang Makita Kang Muli na pinagbibidahan ng GMA-7 star na si Bea Binene.

Kahit nalalapit na halos ang pagtatapos nito, hindi itinanggi ni Bea na hanggang ngayon, nakakaramdam pa rin siya ng hirap sa teleseryeng ginagawa.
 
Ayon rito, kung sa hirap ngayon siguro mahirap siya kasi po yung pressure nandun pa din talaga.
 
"Siguro oo,  I would say na the hard work paid off talaga, sulit," sabi ng Kapuso actress nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA compound.

"Parang ngayon kapag naiisip ko na ngayon, hindi ko alam na nagawa ko na pala yun. Parang hindi ako makapaniwala na kinaya ko yung mga ganun, pero nagpapasalamat po ako."
 
Kung may pinanggagalingan daw siya ng pressure, ito ay dahil ang director nila ay si Direk Laurice Guillen.
 
Sabi nga ni Bea, "Siguro kaya ko rin po nasabi na yung pressure talagang nandun pa rin is actually, mainly is because of her.
 
"Kasi syempre nandun pa rin talaga yung pressure kasi siya yung director mo."
 
Malaki naman daw ang pasasalamat ni Bea na sa kanya ipinagkatiwala ng GMA-7 ang naturang teleserye na masasabing breakthrough sa telebisyon ang ganitong tema.
 
Ayon kay Bea, "Nakakatuwa po kasi parang kapag nasa labas ako, Uy, yung Aso. Uy. Si Angela!
 
"Mga ganun o kaya one time meron akong isang raket parang ang sabi nila, magsalita ka nga na parang si Angela, na parang kumbaga may recall talaga sa kanila na nakakatuwa at nagpapasalamat talaga ako kasi okay yung naging feedback ng mga tao sa show.
 
"Okay naman din sa ratings. Okay naman yung sinasabing performance ko. Marami namang nagkakagusto. So sobrang nagpapasalamat ako and sobrang thankful ako and  grateful to GMA for giving me this role."

Sa nalalapit na pagtatapos nito, ano ang pinakamamimiss niya sa teleserye nila?
 
"Mamimiss ko po na marami pa lang mas mahirap pa yung pinagdadaanan kaysa sa atin.  Na may mga taong, may totoo pa lang mga feral child na mahirap talaga yung pinagdadaanan nila hindi lang physically kundi psychologically at emotionally.
 
"Mahirap din at kailangan mas maging grateful tayo sa blessing na nasa atin kasi we're very lucky. We are still lucky kahit may problema tayo sa buhay ay meron pa din palang mas worse pa yung pinagdadaanan kaysa sa atin."
 
Isang feral child nga ang ginampanan niya at ngayon pa lang siya nakikitang nagta-transform na talaga.
 
Kung tatanungin siya, ano yung mga hindi niya makalilimutang eksena?
 
"Siguro po lahat, masasabi ko po na lahat memorable from being the dog tapos naging malinis ka pero aso ka pa din sa pagsasalita ni Angela ngayon.
 
"Memorable yun lahat.  Pinaka hindi ko makakalimutan yung feeling na hindi ko na kailangan pang mag make-up para maging feral child, parang sobrang sarap sa pakiramdam kasi lahat kami sa make up artist ko parang tapos na, wala tayong marumi ngayon, parang ganun."
 
Sa isang banda, kung nakikita man daw sila ng ka-loveteam at leading man niya sa Hanggang Makita Kang Muli na si Derrick Monasterio na kulitan ng kulitan, sa taping daw nila, masasabi niyang mga seryoso raw silang talaga.
 
Kuwento ni Bea, "Normal kasi namin ni Derrick yung nagkukulitan talaga kami. Ganun kasi talaga kami normal sa 'min yun. Normal namin po talaga ni Derrick yun.
 
"Pero kapag nasa set kami, seryoso kami."
 
Dugtong pa ni Bea, masasabi raw niyang mas naging malapit pa sila lalong dalawa.
 
"Mas naging close kami, pero yun nga kasi kapag nasa taping, hindi kami masyadong nakakapag usap. We're still close. We're very good kasi sa taping, parang focus kami, seryoso talaga.
 
"Hindi kami masyado nakakapag usap pero ganun pa rin, yung closeness, nandun talaga."
 
Magkahiwalay ba sila ng tent?
 
"Nasa standby area minsan po, opo. Pero minsan makikita mo papasok na lang yan sa tent ko kukuha ng pagkain tapos lalabas na yan, tapos hindi magsasalita. O kaya makikita ko bawas yung lalagyanan ko ng pagkain, mga ganun kasi sobrang at ease na talaga kami sa isa't-isa."



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN