John Lloyd Cruz on Toni Gonzaga's professionalism: "Wala namang nabago kahit na nabuntis siya."

Toni Gonzaga and John Lloyd Cruz portray a married couple in Home Sweetie Home.




Noong una'y nagbiro si John Lloyd Cruz na ??medyo moody siya,?? nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung kumusta ang misis niya sa Home Sweetie Home na si Toni Gonzaga ngayong buntis ito.

Pero natatawang hirit ng award-winning actor, "Akala mo naman ako ang asawa.

"Walang pagbabago. Si Toni has always been professional at wala namang nabago kahit na nabuntis siya.

"Yun lang, sa takbo lang ng istorya, I think, sa creative area, nagkaroon lang ng konting--siyempre, kailangang mag-adjust, we have to adapt dun sa sitwasyon and hindi naman sila nahirapan yata."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John Lloyd sa taping ng Home Sweetie Home kamakailan lang sa ABS-CBN.

Naniniwala si John Lloyd na kapag nanganak si Toni, kailangan muna nitong magpahinga kaya dun papasok ang challenge sa kanila.

"Siyempre, magkakaroon ng challenge sa script namin, kung physically, hindi na niya kayang mag-taping, siyempre, kailangan niyang alagaan ang kanyang pregnancy, there will be a lot of challenges, pero kayang-kaya 'yan.

"Meron naman silang magic that they can turn a particular challenge into something funny or pwedeng makatulong din sa script. Wala naman tayong magagawa, yun ang sitwasyon so we need to adapt."

Hindi umamin agad si Toni na buntis siya dala na rin ng pagiging maselan ng pagbubuntis nito sa first trimester.

Pero siya ba, alam na niya agad at nagsabi na rin ito sa kanya?

"Kung kailan po nalaman ng staff, pamilya rito, ako rin, sabay," saad niya.
Ayon pa kay John Lloyd, ??Siyempre, happy ako for her, kahit sino naman na siyempre, malapit naming kasama rito."

Dahil buntis na nga si Toni at ang programa nila ay papuntang tatlong taon na rin, parang sumakto na bilang sina Romeo at Julie, panahon na rin para magkaroon sila ng anak sa Home Sweetie Home.

Handa na rin ba si John Lloyd na maging daddy sa sitcom nila?

"I guess, kasi we're telling a story about Romeo and Julie na ngayon ay nag-evolve na parents na sila. It's a role."

Mula sa isang season, tumagal na sila ng kulang tatlong taon at marami pa ngang mangyayari. Hindi rin sila nawawala sa top rating shows ng ABS-CBN. Sa katunayan, ayon sa Kantar Media-TNS, ang Home Sweetie Home ay No. 3 most-watched program nationwide last May 28.

Kaya hirit namin kay John Lloyd, nakikita ba niyang "forever" na ang programa nila ni Toni?

"It's gonna take more than forever," mabilis naman niyang sagot.

Saka isinunod na, ??Hindi ko alam, hindi ko alam ang forever sa 'yo. Kasi sa akin, ang one week, forever na yun.

"At saka, lahat naman ng programa, lalo na kung ganito kasaya at ganito ang bonding, siyempre, wala ka ng ibang hihilingin kung hindi ang magtagal. Pero kung forever, siyempre, depende na yun..."

Natawa naman ito nang sundutan namin ng tanong kung naniniwala ba siya sa forever?

"Grabe naman," natawang sagot niya.

"Totoong tanong ba yun?

"It??s a concept. Depende sa 'yo ang forever. Nasa sa 'yo yun, ikaw lang ang makapagsasabi. Iba ang konsepto ko ng forever."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN