Heart Evangelista on her kissing scenes with Dennis Trillo: "Excited si Chiz manood."

According to Heart Evangelista, her husband Chiz Escudero (left frame) is an avid viewer of Juan Happy Love Story, her sexy comedy series with Dennis Trillo.




Nang makausap ng entertainment press si Heart Evangelista sa set ng Juan Happy Love Story, agad siyang tinanong kung ano ang reaksiyon niya sa mataas na TV rating ng show nila ni Dennis Trillo.
 
Sabi naman ni Heart tungkol sa kanilang primetime series, “Actually, pagdating sa rating medyo hindi ako masyadong competitive.  Hindi ako nagpu-post ng mga ratings sa Instagram but I’m very grateful siyempre na naa-appreciate nila ang pags-shift ng aking pagkatao sa soap na ‘to.
 
“Nakakatuwa na naa-appreciate nila yun.
 
“Kahit sa mall ngayon, nag-iba bigla ang tingin ng tao sa akin.”
 
Okay ba na nag-iba ang tingin sa kanya dahil may pagka-daring ang karakter niya bilang si Happy sa Juan Happy Love Story?
 
“It’s good,” natawang sagot ni Heart sa taping ng JHLS sa New Manila noong June 6.
 
Sabi pa niya, “Parang na-excite sila sa akin. Parang nag-iba ako ng suot ng kulay ng damit kumbaga.”
 
Pinanonood daw ng kanyang mister, si Senator Chiz Escudero, ang GMA-7 primetime series nila na ito ni Dennis.
 
Natatawang kuwento ni Heart, “Nanonood siya!  Kaya ako, naku...anong eksena ba ang ipapalabas today?
 
“Pero in fairness, hindi naman kasi talaga siya seloso at all.  Pero minsan halimbawa may kissing scene, e, nanonood siya. Hmmm, gaganunin niya ko.”
 
Natatawa rin ba siya sa mga eksena nila?
 
“Natatawa rin siya,” lahad ni Heart.
 
Yung honeymoon scene raw nila ni Dennis, nag-painting na lang daw siya para hindi raw nito mapanood.
 
“Pero okay naman, kasi wala namang nangyari noong honeymoon. It was after, parang the next day, nagkabati kami, parang hindi kami nakapagpigil, sa hallway, nagki-kiss na kami.
 
“E, yun pa naman ang parang excited na excited si Chiz manood. Oh my god, yun pa naman ang eere tonight,” natawang sabi ni Heart.
 
Kuwento pa ng aktres, “Kaya kapag dun siya sa may kusina manonood, doon ako sa sala magpe-paint. Kasi, nahihiya rin ako.  Tulad nung mga Trophy Wife, parang paisa-isa lang ang kissing scene, tatakpan ko ang mata niya.
 
“Parang dito, ang dami.  E, tinututukan talaga niya yung soap.”




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN