Aljur instructs Thea Tolentino on her first kissing scene: "Obsessed ka sa akin dito so dapat torrid!"

Aljur Abrenica helps Once Again co-star Thea Tolentino hurdle her first kissing scene in her acting career, "Pinatawa ko siya nang pinatawa hanggang sa gumaan yung loob niya, so ayun, nagawa namin."



Si Aljur Abrenica ang pinakaunang screen kiss sa buong showbiz career ni Thea Tolentino.

Kailangan kasi ang kissing scene na iyon sa teleserye nila sa GMA-7, ang Once Again.

Ano ang pakiramdam ni Aljur na siya ang nakauna sa mga labi ni Thea onscreen?

“Ang masasabi ko lang, hindi na niya ako makakalimutan,” at tumawa ang award-winning actor.

“Well, magaling naman si Thea, e, mahusay siya.

“Hindi lang siguro siya sanay o pamilyar sa kiss onscreen.

“Nataon sa akin pa so… ako pa?!” at muling tumawa ang Kapuso actor.

“Lalo ko siyang pinakaba kasi iyon nga niloko-loko ko pa siya.

“So sabi niya, ‘Kuya Aljur, paano yung kiss natin dito?’”

Kuya ang tawag sa kanya ni Thea?

“Oo, twenty-six na ako, bata pa si Thea, nineteen, eighteen?

“Sabi ko sa kanya, ‘Obsessed ka sa akin dito [sa Once Again] so dapat torrid!’

“Sabi ko, ‘May dila!’

“Sabi niya, ‘Hindi nga, talaga?!’

“‘Oo!’ Sabi ko, ‘Huwag kang mag-alala.

“‘Nagpaalam na ako sa parents mo, hindi sila magagalit.

“‘Kahit ayoko, pero pipilitin ko talagang gawin natin!’

“Pinatawa ko siya nang pinatawa hanggang sa gumaan yung loob niya, so ayun, nagawa namin.”

Nakapanayam namin si Aljur sa taping ng Once Again noong Miyerkules, June 1, sa Century Park Hotel sa Manila.

Si Thea ay ang liberated, aggressive at daring na si Celeste, ang hahadlang sa pag-ibig ng main characters na ginagampanan nina Aljur at Janine Gutierrez.


SECRET SCENE. First time rin ni Thea na mag-bathing suit sa harap ng kamera.

“Yeah, oo! Ano ang masasabi niyo?” balik-tanong sa amin ni Aljur.

Mas gusto yata ng iba ang makita na siya ang naka-swimwear or trunks sa onscreen.

“Game ako diyan,” tumatawang sagot ni Aljur, “hanapan natin ng magandang eksena.”

Never pa na gumawa ng eksena si Aljur sa harap ng kamera na naka-trunks?

“Alam ko meron, e, ’tapos hindi lumabas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit hindi lumabas?

“Nung pinreview ng [GMA] Artist Center, parang hindi nila [nagustuhan].”

Para saan ang naturang pictorial na first and last time so far na nag-trunks si Aljur?

“Secret! Hanapin niyo. Wala ng thrill pag sinabi ko,” ang pilyo pa nitong sinabi.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN