Janella Salvador differentiates ElNella from KathNiel, LizQuen and Jadine



Positibo ang pakiramdam ng ABS-CBN star na si Janella Salvador sa kauna-unahan niyang primetime series, ang Born For You na siyang kauna-unahang tambalan din nila ni Elmo Magalona.
 
Magsisimula itong mapanood next Monday, June 20, ng gabi. Kaya natatabunan daw talaga ng excitement ang anumang pressure na meron sila.
 
“There is a little pressure. I’m amazed, I have a good feeling about this show kasi, reading the script pa lang, sobrang ganda ng story,” pahayag ni Janella sa presscon ng Born For You sa 14th floor ng ELJ Building noong June 7.
 
Ang music ay isa raw sa malaking bahagi ng teleserye nila.
 
Sa music video pa nila, ang mismong orihinal na kumanta ng "Born For You" na si David Pomeranz ang kasama nila.
 
Ang primetime series na ito ang papalit sa teleserye nina Kim Chiu at Xian Lim na The Story Of Us na magtatapos ngayong Biyernes, June 17.

Mas may pressure ba na posible silang makumpara sa mga ito?
 
“I guess, we can’t avoid naman comparisons. We’re not trying to compete naman,” saad ni Janella.
 
Kahit na nagkaroon naman na ng ka-loveteam dati, para kay Janella, ang Born For You raw ang mako-consider niyang una niyang teleserye na tungkol sa love story.
 
Ayon dito, “Ito ang very first soap ko that focuses din on romance. Kasi yung first soap ko, Be Careful With My Heart, it’s about family. Yung second soap ko, it’s about God.
 
“So ito talaga yung Sam and Kevin talaga yung magmamarka.”
 
Hindi rin naman daw kinailangang maramdaman ni Janella na mailang kay Elmo dahil bago pa sila maging loveteam, alam na ng lahat ang relasyon nito kay Janine Gutierrez.
 
Ayon kay Janella, “Kapag ganun naman talaga, work mode naman kami.”
 
Ano na yung mga nagiging pagkakakilala niya kay Elmo?
 
“Noong una po kaming magkakilala, sabi ko, hala, pareho kaming quiet. Pero noong nagkausap na kami ng matagal, lalo na po sa Japan, nagka-bonding kami ng matagal, marami kaming mga bagay na napagkasunduan.
 
“Like food, animals, pareho kaming madaling makatulog.  I don’t expect na magiging close kami agad na ganito. After Japan, naging close kami agad after naming mag-bonding.”
 
Hindi raw makakalimutan ni Janella kay Elmo habang nasa Japan sila nang mag-shopping siya at tingin daw niya, may isang oras na siya sa loob, nagulat na lang siya nang paglabas niya, nandoon pa rin si Elmo sa labas at naghihintay.
 
Posible kayang ma-attract siya kay Elmo?
 
“Ang answer ko riyan, it’s not impossible, there’s a good chance naman. Kasi, noong na-meet ko siya, he’s such a gentleman talaga. He’ll really gonna make an effort to become close to you.
 
“At marami nga kaming mga bagay na pareho talaga, so we’ll see, in time if ka-red string ko siyang talaga.”
 
Sa isang banda, wala rin naman daw siyang ka-red string ngayon at sa edad na 18 years old, hindi pa raw talaga siya nagkakaroon ng boyfriend.
 
Tinanggap din ng tao ang loveteam niya rati kay Marlo Mortel at nang malaman na si Elmo na ang bago niyang ka-loveteam, tila maraming fans nila ang nag-react.
 
“Actually, marami ngang fans na nag-react.  Hindi ko naman po maiiwasan yun pero nakita ko rin po na may ibang fans na sabi nila, susuportahan nila ko.”
 
Noong malaman niya na si Elmo ang magiging ka-loveteam niya, ano ang naging reaction niya?
 
“Actually, to tell you honestly, hindi ko rin inexpect na siya ang makaka-partner ko, wala akong inexpect nun. So nung sinabi sa akin na si Elmo, o sige, I wanna get to know him na.”
 
Biniro si Janella kung hindi ba niya tsinek sa YouTube si Elmo.
 
“Secret!” natawang sagot niya.
 
Dugtong pa niya, “Noong na-meet ko siya, quiet siya. Sabi ko, hala, paano ko siya makakausap, kasi nga nagkakahiyaan pa.  Then yun, we started talking na.”
 
Ang mismong karakter raw niya rito ang pinaka-naging challenge para kay Janella sa pagggawa niya ng Born For You.
 
“Siguro the biggest challenge lang, this is the first role na malalayo talaga ko sa pagiging maarte, pagiging kikay na role.  So, you’ll gonna see a different Janella.  Doon ako na-challenge, yung maalis yung kakikayan ko sa role.”
 
Challenge rin ba sa kanila na sila ang pang-apat na papasok na loveteam sa Kapamilya Network?

Sa ngayon ang tatlong sikat na loveteams ay ang KathNiel (Kathryn Bernardo-Daniel Padilla), LizQuen (Liza Soberano-Enrique Gil) at Jadine (James Reid-Nadine Lustre).
 
ElNella naman ang tawag sa tandem nina Janella at Elmo.
 
“Siguro we’re hoping naman pero siguro, it’s not good to expect too much din. We’re just really enjoying what we’re doing and we’re just really hoping for the best.”
 
Ano ang bagong maio-offer nila na wala sa ibang loveteams ngayon?
 
“Siguro with the loveteams, we’re gonna be more focused, not just in the acting but in the music din.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN