Vice Ganda on Showtime's higher Kantar ratings: "Relax lang kami, di namin ganun pinag-uusapan ang ratings."



Nabanggit ni Vice Ganda na pangarap niyang makasama sa isang proyekto sina John Lloyd Cruz at Direk Cathy Garcia-Molina.

Sa isang interview, nasabi rin niya na nagkaroon na sila ng meeting.

“Wala pang finality, di pa nila ako pinapatawag uli.

“Siyempre sobrang excited, gusto ko yun kung matutuloy pero di pa ako sure.

“Sino bang hindi fan ni John Lloyd Cruz,” sabi pa ni Vice sa nakaraang guesting nila ni John Lloyd, Jennylyn Mercado at Direk Cathy sa promo ng Just The 3 Of Us.

Lumabas rin ang balita na ang pelikula nila Vice at Daniel Padilla ang entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival 2016.

Lahad ni Vice, “Hayun nga wala pa talagang finality kung ano talaga ang mauuna.

“Kung mauuna yung sa amin ni Daniel o mauuna yung sa amin ni John Lloyd.

“Di pa ako pinapatawag sa taas, ang huling meeting ko kasi a month ago.

“Pinag-usapan yung sa amin ni John Lloyd, yung mga plano pa lang nila.

“Wala pa yung finality, wala pa yung last say ng management, wala pa akong naririnig.”


ACCEPTANCE. Bukas at excited naman si Vice kung matutuloy na magkatrabaho sila ni Direk Cathy.

Halos lahat kasi ng pelikula ng komedyante na kumita ay sa ilalim ng direksyon ng namayapang direktor na si Direk Wenn Deramas.

“Nasa acceptance na ako, kailangang tanggapin ko na itong bagong challenge.

“Wala na yung nanay ko sa pelikula, ibang nanay na ang aampon sa akin.

“Kaya papasok ako sa panibagong sistema, panibagong grupo.

“Di ko comfort zone and I will have to learn again.

“I am open to the learnings na makukuha ko kay Direk [Cathy].”

Samantala, matagal-tagal na ring nakabawi ang It’s Showtime pagdating sa ratings, base sa nationwide data gathered by Kantar Media.

Nakatulong daw nang malaki ang segment na "Tawag ng Tanghalan" para umangat muli ang show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Vice, hindi naman sila pine-pressure ng management tungkol sa ratings.

“Actually, relax lang kami, parang di namin ganung pinag-uusapan ang ratings.

“Pag kinakausap kami ng management, di masyadong binabanggit.

“O sinasabi sa amin… kailangang gawin ito, walang ganun.

“Nire-remind lang kami sa mga obligations namin as mga hosts.”

Read: Kantar Ratings: (March 28-April 3, 2016): It's Showtime becomes No. 1; Eat Bulaga lands on No. 10 slot



HUGOT. Isa sa inabangan at tinutukan sa Gandang Gabi Vice ay ang episode ni Angelica Panganiban kung saan binuksan nito sa kauna-unahang pagkakataon ang tungkol sa breakup nila ni John Lloyd.

Pakli ni Vice, “Oo, kahit late, actually twelve-thirty a.m. na kami umere.

“Kaya nga nagre-request ako, sana i-replay para maraming mas makapanood.”

Tumatak talaga dito ang mga hugot lines ng aktres at ni Vice tungkol sa pagiging broken-hearted.

Lahad niya, “Playtime-playtime lang naman yun.

“Lahat naman ng tao kahit wala kang pinagdadaanan, ang sarap-sarap humugot.

“Sa Twitter lang, parang lahat humuhugot; kahit wala namang dyowa, humuhugot.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN