Be My Lady director happy about show getting all-time high nationwide TV rating

Be My Lady director Theodore Boborol (right, with lead stars Erich Gonzales and Daniel Matsunaga) on the ABS-CBN hit teleserye's trend-setting appeal: "Actually, ang totoo, I think, we started a trend na hindi kailangan i-deny para kiligin ang mga tao. Puwedeng silang dalawa, pero kikiligin pa rin sila at yun ang gusto ng mga tao ngayon: prangkahan, totohanan."


Kamakailan lang ay ibinalitang extended pa ang morning teleserye at tinaguriang most watched daytime serye na Be My Lady ng ABS-CBN na mapapanood pa hanggang October.

Magsisimula na nga sila sa ikatlong season. Bago pa magtapos ang ikalawang season ng morning serye na pinagbibahan ng reel and real-life loveteam nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales, nakakuha ito ng all-time high nationwide TV rating nitong nakaraang Huwebes lang, June 9, na 21.7% base sa Kantar Media.

Ang Be My Lady ang nasa No. 1 slot ng most watched daytime shows. Samantala, ang counterpart program nito na Princess in the Palace ay nakakakuha ng single-digit rating last June 9. Ang GMA-7 show na pinagbibidahan ni Ryzza Mae Dizon ay nakakuha ng 9.2% last June 9. 

Noong Biyernes, sa taping ng Be My Lady sa Arayat, Pampanga ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mismong director ng serye na si Direk Theodore Boborol.

Ang unang tanong namin sa kanya, ano ang meron sa Be My Lady at nagawa nilang maging Most Watched Daytime Teleserye at pataas din nang pataas ang kanilang rating?

Ayon kay Direk Theodore, “Well, una, ang loveteam namin ay Team Real.

“Kahit simpleng usap lang, hindi naman nagpapakilig, pero nakakakilig pa rin.

“Actually, ang totoo, I think, we started a trend na hindi kailangan i-deny para kiligin ang mga tao.

“Puwedeng silang dalawa, pero kikiligin pa rin sila at yun ang gusto ng mga tao ngayon: prangkahan, totohanan. I think yun ang first.

“Pangalawa, napaka-positive, inspirational ng show na all Filipino families can relate to it.

“Sobrang real. Hindi lang Team Real ang loveteam, real din ang story.”

MOST WATCHED. Hindi rin daw inakala ng director na mabibigyan pa sila ng label na Most Watched Daytime Teleserye.

“Siyempre, sobrang nakaka-proud.

“Kasi, when we started the program, all we wanted was to inspire and make the people kilig and then, naging most watched pa kami. Icing on top of the cake na lang yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, we are inspired and we want to assure the BM Lovers that we will continue to do our best and give you the best story, lalo na at pinagkatiwalaan kami ng management na mag-extend until October.

“Although hindi pa rin talaga sure kung kailan matatapos.”

TATLONG BIBE” VIRAL TREND. Hindi rin daw nila inasahan na yung eksenang kinantahan ni Daniel bilang si Phil ang mga bibe ay magiging viral na ngayon ang kantang “May Tatlong Bibe.”

“Hindi namin inexpect talaga, ngayon naging viral siya.

“Lahat ng shows ginagamit siya. Hindi namin inexpect yun, kaya ang galing. Galing din ng mga nakaisip nun, yung mga creatives.”

May pangalan na rin ngayon ang Tatlong Bibe na sina Ever, Lasting at Love.

Ayon kay Direk Theodore, “Nagpapasalamat kami sa mga bumoto sa internet. Nakakatawa yung mga comments nila.”

Bakit nga Ever, Lasting at Love ang naging pangalan ng Tatlong Bibe?

“Well, si Pinang [Erich Gonzales] ang favorite flower niya ay everlasting.

“Ang palagi namang promise ni Phil, everlasting love ang ibibigay ko sa ‘yo. At yun ang aabangan ng tao, ngayong week, malalaman kung matutuloy ba siya sa Singapore.”

REVELATIONS. Sa huli, tinanong namin ang director kung ano ang mga dapat pang abangan sa Be My Lady bukod sa kung sasagutin na nga ba ni Pinang si Phil.

“May magbabalik Kapamilya,” ang pa-blind-item niyang sagot.

“Magbabalik Kapamilya na magiging part ng show na hindi pa rin nila alam.

“At wala rin akong karapatang sabihin. Pero kapag nalaman niyo yun, sigurado akong pag-uusapan ng lahat.”

Magiging conflict daw ito sa kung anumang mamumuong relasyon sa pagitan ng mga karakter nina Daniel at Erich.

Sabi pa ni Direk Theodore, “Wala akong karapatang magsabi, kasi hindi naman ako si RSB [Ruel S. Bayani], pero aabangan dapat ‘yan ng audience. Pag-uusapan niyo, promise.

“Bukod sa magbabalik Kapamilyang actor, dapat niyo rin abangan ang pagsu-shoot namin sa Singapore.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero may possibility rin na hindi sa Singapore. At definitely, kilig ang mangyayari run.

“Yung shoot sa Singapore is actually the end of our second season.”

NEW TAPING CUT-OFF RULE. Halos araw-araw talaga ang taping nila sa Be My Lady. Kung minsan, hindi na raw bumabalik ng Manila ang ilan sa cast at sa malapit na resort na lang din nag-i-stay.

Pero kinumpirma ng director na ginagawa na nila sa set ang 12:00 midnight cut-off.

Kumusta naman ang bagong working hours nila?

“The struggle is real,” biro niya.

“Siyempre, may mga adjustment kami. Pero, hindi pa ba kami magpapasalamat?

“Definitely, thank you sa ABS kasi, sila yung first. I mean, hindi na nila hinintay ang DOLE na mag-implement, especially yung unit namin, si RSB, siya na ang nagsabi na ito, cut-off na agad.

“Mapapagalitan kami kung hindi kami mag-cut-off.”

Pabor naman ba ang ganung cut-off sa tulad niyang director?

“Pabor sa akin at sa mga tao. Kasi, kawawa yung mga tao.

“Pabor siya sa akin, pero siyempre, may mga kailangang pag-aralan pa dahil may masa-sacrifice like yung budget.

“Minsan, yung number of sequences taken during the day.

“Lahat naman yun, learning process. Habang nangyayari ‘to, siyempre, magbibigay naman kami ng feed back sa management.

“Ang importante, mapatupad na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN