Erich Gonzales on teamup with real-life boyfriend Daniel Matsunaga: "Walang halong fake."

Erich Gonzales recalls how the entire cast and production crew of Be My Lady felt when they heard about the high rating for their June 9 episode: "Sobrang sulit po, worth it talaga ang pagod ng lahat. We're not just talking yung kami lang, but the people behind the camera also, crew, mga nagbubuhat ng ilaw."



Noong Biyernes lang daw nalaman ni Erich Gonzales at ng buong cast and crew na ang June 9 episode nila ang nakatala ng all-time high nationwide rating para sa Be My Lady, ayon sa Kantar Media.

Mismong ang Business Unit Head ng kanilang morning serye na si Direk Ruel S. Bayani (RSB) raw ang nag-anunsiyo sa kanila.

Tila bonus na ito bilang binigyan na sila ng titulo ni Daniel Matsunaga na Daytime Prince and Princess of Teleserye at Most Watched Daytime Teleserye naman ang Be My Lady.

Ayon kay Erich, “In-announce lang po kanina, tumawag si RSB, habang nagba-blocking kami ng eksena.

“Pinarinig sa lahat kaya lahat, kantiyawan na, 'Ice cream, pizza!' Kaya kanina, ice-cream kami.

“Like what Daniel [Matsunaga] said, sobrang sulit po, worth it talaga ang pagod ng lahat.

“We’re not just talking yung kami lang, but the people behind the camera also, crew, mga nagbubuhat ng ilaw.

“Mga eksena run sa bukiran, nagbibitbit ng mga ilaw, mabigat.

“Walang nagku-complain, kahit mga puyat na rin sila, mga zombie na, pero masaya pa rin.”

Mas ganado ba silang mag-taping nang malaman nilang umabot na sila sa national rating na 27.1% base sa Kantar Media?

“Palagi namang ganado everyday, pero mas extra ganado,” maasayang pahayag ni Erich nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Be My Lady sa Arayat, Pampanga noong June 10.


SINGAPORE LOCATION SHOOT. Sa July ay pupunta ang buong team nila sa Singapore para mag-taping. Pero tinitingnan daw nila ito na purely trabaho lang.

Sabi nga ni Erich, “Work lang yun, for sure ngarag yun at lahat kami, tulung-tulong.

“Kanya-kanyang buhat ng camera. Lahat kami—art department, utility.”

Maging ang director nila na si Theodore Boborol ay nagsabing ang pagiging “Team Real” daw nila ang posibleng isa sa mga dahilan kung bakit nagugustuhan ng mga manonood ang Be My Lady.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi walang pretensions po. Di ba, sabi nila, nasa mata talaga nakikita yung soul?

“Kung totoo yung napi-feel mo, real talaga, walang halong pretensions, walang halong fake, di ba?

“Parang magre-reflect yun sa kanila at mapapaabot namin sa mga viewers kung ano talaga ang napi-feel ng characters namin.”


CATCHING FLIES. Dahil araw-araw na talaga silang magkasama, naitanong namin kay Erich kung ano pa yung mga bagong pagkakakilanlan niya kay Daniel.

“Nakikita ko araw-araw na mas lalo siyang pabata ng pabata,” saad niya.

“He’s like a child, sobrang playful.

“Sa tent po namin, kapag may langaw, hobby niya ‘yan, mahuhuli niya.

“And there’s more, tinatanggal niya ang wings. Talent niya po yun,” natatawa at proud na sabi ni Erich tungkol sa boyfriend.

Kaya naman daw yun hinuhuli ni Daniel dahil na rin sa kanya, para makatulog siya.

Kaya sabi namin kay Erich, grabeng pagmamahal na talaga ang meron si Daniel sa kanya.

“Ako rin naman, pinapatay ko ang lamok para sa kanya,” natawang hirit ni Erich.

Dugtong pa niya tungkol sa boyfriend, “He’s very maalaga po talaga. He makes sure na okay ako, okay kaming lahat.”

Malalim na talaga ang relasyon na meron sila, ‘no?

“Malalim na malalim po, wala nang makakatibag,” lahad niya ng natawa.


TAMPUHAN BLUES. Kung titingnan talaga silang dalawa, parang palagi silang sweet sa isa’t isa.

Nagkakatampuhan pa ba sila?

“Kanina po, during lunch break. Kasi, wala akong sleep. So sabi ko, gusto kong matulog.

“Sabi niya, 'No, you have to eat.' Sabi ko, 'I want to sleep.'

“Tapos nainis na 'ko, sabi ko, 'Please let me sleep, please?'

“E, gusto niya akong pakainin para raw healthy ako.

“Yun na yun, tapos paggising, wala na.”

Sa palagay niya, sila na talaga ni Daniel ang forever?

“We’ll make forever happen po. With God is forever,” nakangiting sabi ng 25-year-old actress.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE ORIGINAL TEAM REAL. Sa isang banda, tila silang dalawa ang loveteam na masasabing naunang umamin kaya matatawag na “Team Real” talaga.

Pagkatapos nilang umamin, meron na ring ibang naging tapat sa kung ano ang meron din sila off-cam kaya parang sila ang sinundan.

Sabi naman ni Erich, “Hindi naman po siguro sinundan kasi, lahat naman may kanya-kanyang desisyon, may kanya-kanyang pag-iisip.

“Nagkataon talaga na... well, ever since, wala namang yung, 'Sila nauna, sila nahuli.'

“Basta kami, we’re happy, we’re in love, we’re so blessed.

“And we’re really grateful for everything that’s happening po sa amin ngayon and God is really good. He gives us more than what we asked for, sobra.”


EVERYDAY HAPPY.” Mahigit isang taon na ang relationship ng DanRich.

Kaya diretsahan naming tinanong ang ABS-CBN actress kung masasabi niyang ang nagdaang taon ang pinakamasayang taon sa buhay niya.

Nakangiting sabi naman niya, “Everyday is masaya.

“Everything is falling into place talaga.

“Lahat naman ng nangyayari, lahat ‘yan nag-a-add—mga challenges, experiences mo—lahat ng mga ‘yan may rason at lahat ng ‘yan bumubuo sa pagkatao mo.

“So I can say, yes, everything naman po.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN