Ayen Munji-Laurel compares working with GMA-7 and ABS-CBN

After doing 9 teleseryes in GMA-7, Ayen Munji-Laurel is now part of the ABS-CBN teleserye Born For You.



Nagsimula si Ayen Munji-Laurel sa ABS-CBN ng kanyang television career, kung saan kumanta siya sa mga Kapamilya variety shows gaya ng ASAP.

Naitampok din sa Maalaala Mo Kaya ang kanyang life story. Hanggang sa mapunta siya sa GMA-7, kung saan siya unang gumawa ng teleserye.

Napasama siya sa maraming teleserye ng Kapuso network gaya ng Rosalinda, Beauty Queen, Amaya, Hiram na Puso, Temptation of Wife, Maghihintay Pa Rin, My Destiny, Second Chances, at Beautiful Strangers.

Pagbabalik-tanaw nga ni Ayen, “Kasi when I was with ABS, it was all singing, kumakanta pa ako noon, like sa ASAP. Tapos na-MMK yung life story ko before. Si Rica Peralejo ang gumanap kasama sina Bernard Palanca at Raymond Bagatsing. Here sa ABS before puro kanta, puro guesting. During that time I was into singing pa, I was into recording.

“I started acting sa theater talaga, pero yung sa teleserye my first was with GMA. Of course, the major project was Amaya that time.”

Ngayon ay nagbabalik sa ABS-CBN si Ayen at kasalukuyan niyang ginagawa ang kanyang kauna-unahang Kapamilya teleserye, ang Born For You, na pinagbibidahan nina Elmo Magalona at Janella Salvador.

Ginagampanan ni Ayen ang role ni Marge Sebastian, asawa ni Ariel Rivera (who plays Mike Sabastian) at nanay ni Elmo (who plays Kevin Sebastian).

“Super excited because it’s my first teleserye in ABS. I was invited to join the teleserye by Dreamscape. It’s also a perfect project because it’s like a reunion with Ariel, because I’ve worked with him in the past. It’s a privilege to work here sa ABS, super ganda ng istorya ng teleserye and I’m working with a great cast,” sabi ni Ayen.

Kumusta naman ang reunion nila ni Ariel?

“It was good. Nung nagkasama kami sa GMA, it was brief, maikli lang yung eksena namin together. But this time mag-asawa kami. And yung conflict is something different for the audience. Hindi siya yung common na teleserye na crying out of nowhere, walang good conflict. In this one the conflict is interesting, aabangan mo talaga siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ayen sa "Red String premiere" ng Born For You sa Trinoma Cinema 7 noong June 11. Nakasama pa ni Ayen dito ang asawa niyang si Franco Laurel.

Mula sa produksyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang Born For You ay mapapanood sa ABS-CBN Primetime Bida simula sa June 20.


DIFFERENCE OF WORKING WITH ABS-CBN AND GMA-7. Nagpaalam ba si Ayen sa GMA bago niya tanggapin ang proyektong ito sa ABS-CBN?

“Yes, oo naman. Pinaalam ako ni Popoy [Caritativo], yung manager ko. Okay lang naman sila doon kasi I’ve been with GMA for a long, long time. Siyam na teleserye ang nagawa ko with them. So, you know, it’s just like having the best of both worlds, I guess.”

Ano naman ang kaibahan ng pagtatrabaho sa GMA at ABS-CBN?

“Siguro it’s a different material. But it terms of the people, I love both, they are all nice. Wala rin akong masasabi sa mga tao dito [sa ABS-CBN], inaalagaan naman talaga kaming lahat. Even in GMA, and I will always be thankful to GMA, siyempre sila talaga yung nagbigay sa akin ng break sa teleserye.”


ELMO MAGALONA AND JANELLA SALVADOR. Pareho silang nanggaling ni Elmo sa GMA, nagkatrabaho ba sila sa Kapuso Network bago sila nagkasama sa Born For You?

“Hindi, e. Of course, I know who Elmo is, but hindi pa talaga kami nagkakatrabaho. And ngayong magkasama kami dito sa Born For You, ang sarap katrabaho ng batang iyan, walang yabang, mabait na bata.

“He’s so focused sa kanyang work. You know, he’s open to learning and ang ganda ng exposure na ito sa kanya because he’s role is a breakthrough for him. I'm happy that even yung mom niya naging kaibigan ko. We had fun when we were in Japan, nag-enjoy talaga kami taping in Japan. Para kaming isang buong pamilya.”

Puno rin ng papuri si Ayen kay Janella.

“Of course, I know her mother Jenine [Desiderio]. Janella is a chameleon, she transforms. Yung nakikita mo sa kanya, that’s not just it. She has a lot to give. May pinagmanahan, of course. She’s a good actor, so I know she’s gonna go far.”

Kinikilig ba siya sa ElNella (Elmo-Janella) love team?

“Yeah, super. Isa ako sa mga kinikilig sa kanila. I’m sure yung love team nila it’s gonna be a hit.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN