Karla Estrada on show's differences with Kris TV: "Napakatalino nun, kami kagaguhan lang minsan."

Karla Estrada enjoys the complementary, no-holds-barred hosting styles among her Magandang Buhay co-hosts, and dismisses allegations of "sapawan." "Kanya-kanya naman kami ng pasok, ganyan. Actually, we complement each other, walang sapawan, may kanya-kanya kaming time. Kasi magkakaibigan kami so ingat na ingat kami sa isa't isa."

 



Kinumusta namin si Karla Estrada tungkol sa pagkakaroon niya ng daily morning talk show, ang Magandang Buhay.

Bago,” at tumawa si Karla.

Bago siya, nakakatuwa kasi  maganda dito hindi kami pinigilan, e.

Pinabayaan kami kung ano yung natural namin. Hindi yung host-host-an na, ‘Alam n'yo po…’

Walang ganun, yung talagang riot. So ang sarap lang na pinapakawalan ka na normal ka lang, di ba?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Karla sa dressing room ng ABS-CBN sa taping ng morning talk show nila nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros nitong nakaraang Huwebes, June 9.


UNIQUE HOSTING STYLES. Hindi pa naman daw nakakarinig si Karla ng comparison ng show nila (at hosting style nilang tatlo) sa show at style ni Kris Aquino dati sa Kris TV, ang show na pinalitan nila sa Kapamilya Network.

Wala naman. Ang layo kasi! Napakatalino nun, kami kagaguhan lang minsan,” pagkumpara ni Karla.

Hiningan naman namin ng komento si Karla sa obserbasyon ng marami na siya ang nagdadala ng show, na siya ang buhay ng show nila nina Jolina at Melai.

Pagklaro niya, “Ako, hindi naman naniniwala dun, kasi kanya-kanya kaming drama.

Kanya-kanya naman kami ng pasok, ganyan.

Actually, we complement each other, walang sapawan, may kanya-kanya kaming time.

Kasi magkakaibigan kami so ingat na ingat kami sa isa’t isa.”


FEELING THE BLING. Isa pang napapansin ng viewers ay palaging malalaki at magarbo ang mga alahas ni Karla sa show kumpara kina Jolina at Melai.

Oo!” at humalakhak si Karla.

E, wala e, pag hindi ko naman sinuot baka mabulok,” at muli itong tumawa.

Hindi, saka hilig ko 'yan, e.

Pinagpaguran ko naman. Alam mo naman nung araw, kung maka-borloloy ako, di ba?

Mahilig talaga ako na may nakasabit.

Parang ang saya lang!”


TV SHOWS. Tatlo ang shows kunsaan regular na napapanood si Karla ngayon—ang Magandang Buhay, Funny Ka, Pare Ko at ang "Tawag ng Tanghalan" segment ng It’s Showtime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang paborito niya sa tatlo?

Sagot niya, “Yung tatlo!

Kasi iba-iba, e. Hurado, kantahan [Tawag Ng Tanghalan], puso ko yun.

Ito [Magandang Buhay], hosting, enjoy and ang dami naming natututunan, ang bongga!

And then yung isa [Funny Ka, Pare Ko], comedy, tawang-tawa ako sa lahat ng kasama namin dun.

Kasi kung hindi naman ako nag-e-enjoy hindi ko naman tatanggapin.”


BARNA MOVIE IN THE WORKS. Samantala, pinaplano na ang pelikula na pagbibidahan ni Karla, ang fantasy/comedy na Barna.

Masaya niyang lahad, “Ayan na yung Barna, nararamdaman ko na si Barna! So anytime.”

Ang costume niya ay para rin daw costume ni Darna.

Fit, oo! Pero balot lahat,” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN