Vic Sotto explains why Kristine Hermosa turned down TV projects in the past

Vic Sotto describes his daughter-in-law Kristine Hermosa by saying, "She's a very good mother, hands-on na nanay si Tin. So there we're times na she got offers to do teleserye again, pero she turned it down."



Ilang taon nang hindi nagkasama sa isang sitcom sina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas.

Nagkasama sila para sa 1997 sitcom na 1 For 3 hanggang sa magkahiwalay sila ng istasyon at nagtambal sa ilang pelikula.
 
This 2016, muling makakapareha ni Vic si Ai-Ai sa bago nitong sitcom, ang Hay Bahay na magsisimulang mapanood this Sunday, June 19, sa GMA-7 sa ganap na 6:15 ng gabi.
 
Para kay Vic, si Ai-Ai ang isa sa mga artistang babae na kumportable na siyang katrabaho.

“Kami ni Ai, kumportable kami sa isa’t-isa, e. Kahit na kapag pinapanood niyo, magkasama kami sa 1 For 3, bago pa nun, nagkakasama kami sa mga pelikula, pero matagal ang pinagsamahan namin sa 1 For 3.
 
“Tapos napunta na siya sa kabilang istasyon, nawalan na kami ng contact. Pero despite the fact na magkaibang istasyon kami, yung pagkakaibigan namin, hindi nawala.
 
“So noong nagkaroon kami ng pagkakataon na gumawa ng pelikula, yung Enteng ng Ina mo, dun na nabuo ulit yung friendship namin.”
 
Biro pa niya, “Yung pag-iibigan namin. Ibang klase yung pag-iibigan namin.”
 
Ang pangalan daw ng loveteam nila ay AiSing.
 
At siya raw ang paboritong ka-loveteam ni AiAi.
 
“Ito lang ang nagtitiyagang ka-loveteam ko, kasi swak na e.  Ang maganda kasi nun, maganda ang trabaho kapag kumportable kayo sa isa’t-isa. Yung trabaho parang hindi mo nararamdaman, e, kahit alas-dos na ng umaga.
 
“Mararamdaman mo lang kasi tulog na siya, pero yung pagod mo, nawawala kasi hindi mo napapansin, tawanan kayo ng tawanan, relax lang kayo sa set. Tapos nandiyan pa si Direk Bibeth [Orteza], sina Jose at Wally, masaya, masaya.
 
“Ang importante para sa amin, masaya kayo na ginagawa niyo. Ang ibig sabihin nun, masaya ang magiging produkto.”




Vic Sotto and Ai-Ai delas Alas


 
Sa presscon ng Hay Bahay na ginanap sa 17th Floor ng GMA-7 kahapon, June 13, nabanggit ni Ai-Ai na binibiro raw niya si Vic na nanghihinayang ito at hindi natikman. Pero para kay Vic, isang patunay lang daw yun kung gaano nga sila ka-kumportable sa isa’t-isa.
 
“Ganun kaming magbiruan, e.
 
“Ganun kami na maikukuwento namin na hindi bastos pakinggan.  Kaya nga, it only means kung gaano talaga ka-kumportable sa isa’t-isa.”
 
Para sa kanya, “joke” lang talaga yun ni Ai-Ai sa kanya?
 
“Hindi. Alam ko namang type niya ko, e,” biro naman ni Vic.
 
Saka sinabing, “Hindi, ito naman, puro salita-salita lang ‘yan.”
 
Sa unang pagkakataon din, gagawa ng programa si Kristine sa Kapuso network at showbiz comeback niya ito matapos ang ilang taon.
 
Alam daw kasi ni Vic na namimiss din ng manugang niya ang pag-arte.
 
“Alam ko kasi, hinahanap-hanap na ng katawan niya ang mga shooting, taping.  E, ayaw na niya ng umiiyak. Tamang-tama, nagre-reformat kami. Na-swak naman siya sa role and I’m happy for her,” lahad niya.
 
“And kasama ko rin yung mga original Dabarkads ko na sina Jose [Manalo] and Wally [Bayola]. Ito e, masaya. Pampalimot ng stress sa buhay.”


ON KRISTINE HERMOSA. Ang manugang ni Vic na si Kristine Hermosa ay naging leading lady niya sa pelikula. Si Tin ay naging bahagi ng mga Enteng Kabisote movies.
 
Kumusta namang katrabaho si Kristine?
 
“Nakakatuwa dahil alam kong miss na miss niya nga yung trabaho, buhat nung magka-pamilya sila, nakakatuwa rin na nag-iba yung priorities niya. Na yung priorities naman, e, yung asawa niya at mga anak niya.
 
“She’s a very good mother, hands-on na nanay si Tin. So there we’re times na she got offers to do teleserye again, pero she turned it down.  There was one time nga tinanong siya kung bakit ayaw na niyang mag-TV, sabi niya, 'Gusto ko Dad, pero ayoko na nang umiiyak.'
 
“Kasi siya yung tipo ng aktres na nauuwi sa bahay ang ginagampanang role.  Hanggang bahay, nadadala niya yun at ayaw niyang dalhin yun kasi, maaapektuhan ang relasyon nilang mag-asawa, ang pagiging nanay niya and I understand the point kahit miss na miss niya.”
 
Dun pumasok na inalok nga niya ito ng sitcom.
 
“Sabi ko, comedy, okay ka? Sabi niya, 'A, ‘yan Dad, okay ako.' Mabilis lang naman, kapag ready na agad ang mga materyales, ready ang script, mabilis ang trabaho, e.  Walang tengga-tengga.
 
“So pumayag siya to be part of Hay Bahay.”
 
Dahil kinasal sina Vic at Pauleen Luna-Sotto last January 30, kinamusta si Vic kung kailan ito magkaka-anak muli.
 
“Tinatry ko pa,” natawang sabi niya.
 
“Yun naman, e, darating at darating yun. In God’s time.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN