Oyo wanted to produce sitcom in the past: "Present natin sa GMA or sa ABS[-CBN]."

Through Hay Bahay, Oyo Sotto fulfills his dream of working on a sitcom with wife Kristine Hermosa. 



Sa unang pagkakataon ay magkakatrabaho bilang mag-asawa sina Oyo Sotto at Kristine Hermosa. Ito ay para sa bagong sitcom ng GMA na Hay Bahay!

“Kasi nung bagong kasal kami, gusto talaga naming gumawa ng sitcom na magkasama kami,” umpisang kuwento ni Oyo.

Pero hindi ito natuloy.

“Ang dami kasing nangyari, e. Nabuntis siya agad , tapos nasundan na naman, tapos ngayon buntis na naman.

“Parang nagpaplano kami nun na. ‘Tara ipon tayo tapos mag-produce tayo kahit maliit lang. Present natin sa GMA or sa ABS, tingnan natin kung sino ang bibili.’

“E, hindi natuloy pero iyon, eto natuloy na.

“Natuwa kami siyempre kasi si Tin nga for the longest time gusto niya talaga ulit bumalik sa pag-aartista pero gusto niya, comedy or action. Ayaw niyang mag-drama, gusto niya something light, something different kasi siguro nasawa na talaga siya sa kaka-drama.”

Nakausap namin si Oyo sa presscon ng Hay Bahay! noong Lunes, June 13, sa GMA Network Center. Sa naturang sitcom na i-eere sa Linggo ng gabi, June 19, ay gaganap si Oyo bilang si Yoyo at si Kristine naman si Batch.

Bida rito sina Ai-Ai delas Alas bilang si Lav at si Vic Sotto bilang si Vio.

Kasama rin sa Hay Bahay! sina Jose Manalo bilang si Mael, Wally Bayola bilang si Sikat at Ruby Rodriguez bilang si Nenuca.
Ito ay sa direskyon ni Bibeth Orteza.

Mabuti at pumayag si Oyo na magtrabaho si Kristine kahit buntis ito; four months na ang ipinagbubuntis ng misis ni Oyo.

“Never ko naman siyang binawalan or ano, basta sabi ko nga sa kanya kung okay sa kanya at okay sa doktor niya, walang problema.”

Sa lahat naman ng eksensa sa Hay Bahay! ay magkasama sila ni Kristine kaya sabay silang pupunta sa taping at sabay ring uuwi.
May hiniling ba siyang cut-off time pera sa kanila ni Kristine tuwing may taping?

“Wala namang cut-off kasi mabilis namang natatapos sa taping e, siguro latest na minsan mga eleven or twelve so okay naman, hindi naman kailangan ng cut-off.”

Walang kontrata sa kahit na anong TV station si Oyo kaya nakakapagtrabaho siya sa GMA, at dati ay sa TV5.

Per project ang kontrata niya.

“Yung sa TV5 naman, kila Tito Tony Tuviera yun, e, yung sa Valiente. Tapos yung sa Midnight DJ naman, Bigtop [Entertainment, Inc.] yun so per show lang.”

Bakit hindi siya nagpapa-exclusive contract sa kahit na anong istasyon ng telebisyon?

“Hindi ko rin alam,” at tumawa si Oyo. “Hindi lang dumating sa akin na gusto kong maging exclusive, para at least anywhere puwede.”

Papayagan ba niya na mag-artista ang mga anak nila ni Kristine?

“Pinag-usapan namin yun ni Tin, sabi namin, gusto muna namin talaga silang makapag-aral. As much as possible, kung gusto talaga nila, sa commercials muna.

“Pero as long as gusto namin matapos yung pag-aaral nila, and malalim yung relasyon nila sa Panginoon, sige pagka gusto nilang mag-artista, okay lang.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN