Yasmien Kurdi on slaps received from Katrina Halili: "Lahat totoo, walang-daya-daya."

Yasmien Kurdi (in photo) jokingly says about kontrabida Katrina Halili: "Hinahayaan ko lang, kapag nakabawi ako, lagot siya."



Basa sa trailer, api-apihan at mabait talaga ang karakter na ginagampanan ni Yasmien Kurdi sa bagong afternoon prime ng GMA-7, ang Sa Piling ni Nanay na magsisimula ng mapanood sa June 27.

Isang baby maker ang papel na ginagampanan niya at sa trailer pa lang ng teleserye, grabeng pagpapahirap na ang ginagawa sa kanya ng kaibigan at fellow StarStruck alumna na si Katrina Halili.

“Opo, pero hinahayaan ko lang, kapag nakabawi ako, lagot siya,” natawang sabi naman ni Yasmien na kahit naka-long gown sa ginanap na presscon kagabi sa 17th Floor ng GMA Building ay makikitang very sexy ito ngayon.

Kumusta ang mga sampal, pananakit sa kanya ni Katrina?

“Lahat totoo, walang-daya-daya,” lahad niya.

“Pero hinahayaan ko lang siya para kapag napuna nga ako,” biro pa niya.

Base sa mga Instagram posts, halatang excited siya sa bagong afternoon series.

“Yes, excited po ako siyempre,” saad niya.

“Afternoon ulit and it really excites me, yung thought na mapunta ka sa afternoon kasi, dun ako nagsimula.”

Bukod dito, kakaiba rin daw ang karakter niya.

“Iba yung theme niya, about surrogacy and nag-research talaga ko tungkol sa mga surrogates mom. Actually, meron ngang website tungkol sa surrogate moms at ino-offer talaga nila yung matris nila para buntisin at makatulong sila sa ibang tao and at the same time, kikita sila ng pera.”

Mabait man ang karakter, pero pwedeng sabihin na may pagka-daring ang karakter niya dahil baby maker nga siya.

“Opo, noong magka-live-in kami ni Rod, si Antonio Aquitania, naging battered wife ako at medyo daring yun.”

Kumplikado nga ang karakter ni Yasmien na pinasok ang surrogacy para maisalba ang buhay ng unang anak na may sakit na leukemia, pero, nawala rin ito.

Live-in partner niya si Antonio, pero, si Benjamin Alves ang ama ng surrogate baby niya at si Mark Herras ang mai-in-love sa kanya.

Masaya rin daw si Yasmien para sa kanyang kapareha na si Mark kung paano nakikita niyang inspirado at in-love itong talaga sa girlfriend na si Winwyn Marquez.

Ayon nga kay Yasmien, “I’m happy for him, ang laki ng ipinagbago niya.”

Paanong nagbago?

“Nag-mature siya!”

Paanong nag-mature?

“Actually nga, ayaw niya ngang masyadong naglalapit sa amin. Parang ayaw niya kaming masyadong lapitan, yung mga girls.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN