Miles Ocampo says her tandem with Inigo Pascual clicked more than Marco Gumabao, CJ Navato

Despite having been paired with several loveteam partners in the past, Miles Ocampo feels it's only a matter of time before she meets her perfect match: "Bihirang-bihira yung sila ang nagki-click talaga. Siguro po, may suwerte talaga at ako, hindi ko pa nahanap yung suwerte ko sa ganun."



Noong magbida siya sa teleseryeng And I Love You So, kinailangan ni Miles Ocampo na huminto muna sa sitcom niyang Home Sweetie Home.

Kaya masaya raw siya nang magtapos ang afternoon series pinagbidahan nila ni Julia Barretto, dahil nakabalik siyang muli sa Home Sweetie Home sitcom na napapanood tuwing Sabado ng gabi.

Ayon kay Miles nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan lang sa taping ng Home Sweetie Home sa ABS-CBN, sinabi nitong, “Sobra, sobrang na-miss ko talaga.

“Kasi noong nag-soap ako, hindi talaga ako puwedeng mag-Home Sweetie.

“Hindi naman dahil sa conflict sa schedule, pero para maiba yung character kaya hindi puwede.

“Sobrang na-miss ko, kasi kapag dito, parang ang saya lang namin.”

Magtatatlong taon na rin ang sitcom nila na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga.

“Feeling ko forever na ito,” natawang sabi niya.

“May forever sa Home Sweetie... kasi, marami pa rin pong plano ang E.P. [executive producer] namin.

“May out-of-the-country kami, may Dubai kami,” masayang sabi pa niya.

Dahil wala pa naman daw siyang naka-line up agad na teleserye, plano raw niyang magbalik sa kolehiyo sa University of the Philippines.

Theater ang kurso niya, pero parang pinag-iisipan daw niyang mag-shift sa Photography o Creative Writing.

FINDING HER PERFECT MATCH. Binibigyan na rin siya ng ka-loveteam sa sitcom at ito ay si Marlou Arquiza.

Kumusta naman?

“Sa ngayon, uso kasi ang mga loveteam-loveteam.

“Pero so far, masaya naman po ako na si Marlou Arquiza ang ka-loveteam ko,” saad niya.

Tinatanong din naman daw sila kung sino ang gusto nilang maka-loveteam.

Pero sabi nga ni Miles, “Ilang beses na rin po akong nag-try ng loveteam.

“Una kong ka-loveteam si Marco Gumabao, tapos naging si CJ Navato, si Inigo Pascual.

“Actually, hindi naman po sa pag-aano... For me, ang pinaka-nagustuhan ng tao, si Inigo po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, may other priorities sila, may other project na gagawin.

“So far, okay lang naman po ako kung mag-isa. Kung may loveteam na darating, okay rin po ako.”

Masasabing sinusubukan pa sa ngayon kung magki-click ang loveteam nilang dalawa ni Marlou sa Home Sweetie Home.

Natatawa naman daw siya sa Hashtags member kapag guest ito.

May mga kinikilig na ba sa kanila?

“May mga natatawa, may mga nagtatanong na rin po,” sabi naman niya.


NOT TOO LUCKY WITH LOVETEAMS. Mga loveteams nga ang masasabing namamayagpag ngayon.

Dahil nauuso nga ang mga ito ngayon, tinanong namin kay Miles kung ano kaya ang posibleng dahilan kung bakit tila hindi nagtatagal yung mga nagiging loveteams niya.

Sabi naman ni Miles, “Siguro po kasi, marami rin naman ang nag-e-experiment talaga.

“Bihirang-bihira yung sila ang nagki-click talaga.

“Siguro po, may suwerte talaga at ako, hindi ko pa nahanap yung suwerte ko sa ganun.”

Pero gusto pa rin niyang malinya sa mga loveteam?

“Okay naman po, pero since ngayon nga po, wala pa, masaya rin naman po ako na mag-isa,” pag-amin niya.


MANAGING HER EXPECTATIONS. Nagsimulang mapanood ng regular sa telebisyon si Miles sa Goin’ Bulilit at simula noon, masasabing hindi naman siya huminto sa pag-aartista, lalo na maging isang Kapamilya.

Kung tatanungin siya, ano pa nga ba ang mga gusto niyang gawin o mangyari sa career niya?

“Sinasabi ko nga, parang hindi ako nagmamadali,” lahad niya.

“Palagi ko namang sinasabi yun. Mas masaya ko na ganito, stable.

“Hindi ako nawawalan ng trabaho kahit paano po.

“And nabibigyan naman ako ng opportunity, mapa-drama or comedy.

“For me po, masaya na ko sa ganun.

“Wala naman akong masyadong ine-expect, kasi di ba po, kapag nag-expect ka, mas lalo kang madi-disappoint, mas lalo kang mapi-pressure kapag hindi mo yun nakuha?

“So ako, go with the flow lang.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DEALING WITH BASHERS. Sa social media, isa si Miles sa may mahigit isang milyong followers sa kanyang Instagram account.

Pero paano niya maipapakita na maganda yung mga pinu-post niya at nakaka-inspire talaga siya?

“Mahirap kasi yung mga tao minsan, dyina-judge ka na sa Instagram feeds mo, kung ano ang hitsura ng feeds mo.

“Pero siguro, ako kasi, hindi ako yung tao na gusto ko, sobrang perfect ng feeds ko.

“Kasi, kung perfect na, parang hindi na nila nakikita yung totoong ikaw.

“So ako, I decided na yung Instagram feeds ko, yung totoo lang para makita nila kung ano talaga ang nangyayari sa aking totoo,” paliwanag niya.

Marami rin siyang bashers, di ba?

“Ay, ngayon hindi na, mababait na sila,” natawang sabi ni Miles.

Sabi pa niya, “Dati po, dati talaga.

“Dati iniiyakan ko sila na bakit parang ang judgmental ng mga tao.

“Pero ngayon, tinatawanan ko na lang sila or kapag may nabasa kong grabe, mine-message ko na lang ng 'God bless you.'

“Tapos, sasabihin nila, 'Ay hindi po, Idol po talaga kita.' Parang gusto nilang pansinin mo sila,” saad niya.

“Pero ngayon, dedma po ako.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN