Bettina Carlos gets chummy with newfound friend Katrina Halili

Bettina Carlos on newfound friend Katrina Halili: "Ang bait niya! Makuwento, ma-chika. E, ako hindi naman ako matsika, e. Pag hindi mo ako kakausapin tahimik lang ako. Pero siya she initiates, she engages in conversations with you tapos maeengganyo kang makipagkuwentuhan sa kanya."



Para sa teleserye na Sa Piling ni Nanay, madalas ka-eksena ni Bettina Carlos si Katrina Halili.

Ang description pa ni Bettina kay Katrina ay “my new friend.”

Ani Bettina, “First time ko siyang makatrabaho at makilala.”

Nagpapalitan raw sila ng stories tungkol sa kani-kanilang mga anak.

Parehong babae ang anak nila (Katie is Katrina’s daughter) at pareho silang single mothers.

“Chikahan kami about fitness, about motherhood, about diet-diet, exercise-exercise.

“Nakakatuwa si Kat, first time ko siyang makatrabaho.

“And ngayon ko nakita na, sabi kasi nila mabait siya.

“So na-confirm ko na. ‘Ay, mabait nga ito!’

“Kasi ang image niya noon bago siya naging nanay, bago siya na-transform at naging nanay at naging kay Lord, ang image niya ay maldita, mataray, ganyan.

“Siguro dati ganun siya, like most naman na teenagers, na confused ka.

“Pero nung nakilala ko siya, ‘Ang bait naman nito!’

“Ang bait niya! Makuwento, matsika.

“E, ako hindi naman ako matsika, e. Pag hindi mo ako kakausapin tahimik lang ako.

“Pero siya she initiates, she engages in conversations with you tapos maeengganyo kang makipagkuwentuhan sa kanya.”


BEST OF ALL WORLDS. “I play the role of Dra. Wanda Sales.

“Mabait pa naman ako, lahat naman mabait sa simula,” ang tumatawang umpisang kuwento ni Bettina tungkol sa papel niya sa Sa Piling ni Nanay.

Katatapos lamang ng Because of You at heto ay may bago na namang show si Bettina.

“And I’m also blessed to be in the newest sitcom of Bossing [Vic Sotto], yung Hay, Bahay!” dagdag niya.

Co-host din si Bettina ni Chef Boy Logro sa Idol sa Kusina.

Ano ang mas gusto niya, mag-host o umarte sa harap ng kamera?

Tugon niya, “I like both! Magkaiba naman siya, e.

“I like hosting because I like talking. I like acting because I get to play different characters, different roles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I enjoy the most in Because of You kasi pangarap ko talagang mag-try mag-comedy.

“Very comic yung pagka-maldita ko dun, e.

“And I believe I landed my role in Hay, Bahay! because of my role in Because of You.”

Sino ang mamalditahin niya sa Sa Piling ni Nanay?

“Wala pa sa start, e, too early to tell.

“Basta I play the OB-Gyne who’s a friend of Katrina [Halili playing the role of Scarlet].

“Ako yung nagbigay ng idea sa kanya to undergo surrogacy para mabigyan niya ng anak yung asawa niya,” paliwanag pa niya.

Mapapanood rin sa Sa Piling ni Nanay sina Yasmien Kurdi bilang si Ysabel, Mark Herras bilang Jonas, Antonio Aquitania as Rod, Sofia Jayzel Cabatay as Maya, at si Ms. Nova Villa bilang Matilda.

Ang Sa Piling ni Nanay ay sa direksyon Gil Tejada, Jr. para sa GMA Afternoon Prime.

“I love every single show I’m part of kasi I get to do all the things that I love to do, so iba-ibang avenues,” lahad ni Bettina.


COOKING AS PRIORITY. Tulad ng acting at hosting, mahal din daw niya ang pagluluto.

Kung sabay-sabay na ma-offer-an siya ng acting, cooking at hosting project, alin ang tatanggapin niya?

“Magluto,” at tumawa si Bettina.

“Hindi ko alam. Yun ako sobrang enjoy, e.

“Hindi ko napapansin yung oras pag nasa kusina ako.

“Tsaka siya yung favorite kong matutunan now as I’m doing it.

“And at the same time, kasi when you cook, I’m also hosting. So I talk also while cooking.’"

BAKING BUSINESS. Businesswoman rin si Bettina.

Siya ang may-ari ng Baked Bites.

Aniya, “It’s still home-based. The business is still going strong.”

Puro pastries ang ginagawa ni Bettina para sa kanyang business.

Paglinaw niya, “Actually bread, pero kasi ako, I’m very limited in terms of resources and space, because I do it at home and manpower also, wala akong tao, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But the yaya of Gummy [Bettina’s daughter] who’s interested and who really wants to learn about baking, tinuturuan ko siya and she likes it so she gets to help me in the kitchen na also.”

Hindi raw alam ni Bettina kung paano niyang nakakayang pagsabay-sabayin ang lahat ng mga ginagawa niya.

Mabuti na lang at wala siyang lovelife.

Aniya, “Wala akong lovelife. Ang lovelife ko, anak ko.”

Wala rin daw siyang manliligaw ngayon.

“E, paano namang may manliligaw, e, hindi naman ako lumalabas ng bahay,” pahabol pa ng 28-year-old actress.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN