Carrot Man's life to be depicted by Jake Vargas on Magpakailanman

The life of Jeyrick Sigmaton a.k.a. Carrot Man (rightmost) will be depicted by Jake Vargas (left) in an upcoming episode of Magpakailanman.



Mapapanood na ang life story ng social media star na si Jeyrick Sigmaton (aka Carrot Man) sa weekly drama anthology ng GMA-7 na Magpakailanman.

Ang Kapuso leading man na si Jake Vargas ang gaganap bilang si Carrot Man at ipapakita ang mga hirap na pinagdaanan ni Jeyrick bilang isang tagapag-ani ng mga gulay sa bundok ng Benguet, Mountain Province.

Pero dahil sa kanyang mumunting pangarap na maiahon ang kanyang pamikya sa hirap, naging daan ang isang photo niya na naging viral sa social media kaya siya nakilala at naambunan ng kakaibang suwerte sa buhay.

Simple lang daw ang mga pangarap ni Jeyrick bago siya nakilala ng marami. Ang kanyang pagiging masipag ang siyang ginamit niya para may makain sila ng kanyang pamilya araw-araw.

Ngayon ay hindi na nga pinoproblema ni Jeyrick ito dahil sa mga magkakasunod na biyaya na dumating sa buhay nila.

“Marami pong nakakakilala sa akin. Kahit saan ako pumunta, sa mall, kahit saan pong lugar, marami pong nakakakilala sa akin,” ngiti pa ni Jeyrick sa kanyang panayam sa 24 Oras.

Bukod kasi sa magkakasunod na guestings niya sa TV mula sa Wowowin, Kapuso Mo Jessica Soho, Pepito Manaloto at Maynila, kinuha pa si Jeyrick bilang endorser ng retail brand na Boardwalk at naging malaking tulong daw iyon sa kanyang pamilya.

Pero kahit isang celebrity na si Jeyrick, hindi pa rin daw nababago ang kanyang nakagisnan na buhay sa bundok. Noong huling uwi raw niya ay tumulong siya sa pag-ani ng mga gulay.

Ang balak na mag-enroll sana sa isang school sa Baguio City ni Jeyrick ay pinagpaliban niya muna upang ang mga kapatid niya ang makapag-aral. Inaalala raw niya ang kalagayan ng kanyang pamilya lalo na’t walang tutulong sa kanila sa pag-ani ng gulay.

“Nag-ani po noong umuwi ako, dahil po doon wala pong gulay. Meron po pero kakaunti, good for family lang po.

“Nag-aalala po ako para sa kanilang kinabukasan. Walang tutulong sa kanila, e,” pagtapos pa ni Carrot Man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN