Luis Manzano differentiates The Voice coaches Sharon Cuneta and Sarah Geronimo

Luis Manzano: "Iba yung mga hirit ni Sarah [Geronimo, top frame], iba yung mga hirit ni Tita Sharon [Cuneta], ang sarap lang panoorin."



Sa ngayon ay masaya si Luis Manzano sa tinatakbo ng kanyang showbiz career.

May mga shows nga raw siyang babalik uli sa ere.

“With everything coming my way, napaka-unfair kung hindi ako magiging masaya.

“Tatahimik na lang ako sa lahat ng bagay.

“Ang pangit naman na sa lahat ng magagandang nangyayari sa akin, hindi pa ako happy.

“Napakaramot ko namang tao.

“Confidential pa pero I think may isa o dalawang shows na magbabalik pa very soon, tuloy-tuloy siya.”

Maganda rin feedback ng Family Feud at The Voice Kids Season 3 kung saan host si Luis.

Masaya rin daw siya sa pagpasok ni Sharon Cuneta bilang isa sa coach ng The Voice Kids.

Aniya, “Okay naman, we are very thankful sa The Voice.

“Nagugulat kami every week panibagong taas yung ratings namin.

“Ang daming nagre-request sa amin na mag-daily, ang daming positive feedback.

“Nagte-trend kami, thank you very much po sa lahat and sa The Voice, it’s given naman po.

“Base sa social media, sa ratings… na-a-appreciate ninyo yung mga bata, lahat ng bumubuo ng show.

“Oo, kahit kami nagulat kung paano mabilis na nag-adopt si Tita Sharon, siyempre bago sa pamilya.

“Tawang-tawa kami sa kanya and iba yung banter nila ngayon ng mga coaches.”


SHARON VS. SARAH. Ayon kay Luis, mahirap ikumpara sila Sharon at Sarah Geronimo bilang mga coaches ng The Voice Kids.

May kani-kaniyang istilo raw ang dalawa sa pagko-coach.

“Ibang putahe lang, iba yung mga hirit ni Sarah.

“Iba yung mga hirit ni Tita Sharon, ang sarap lang panoorin.”

Naniniwala din si Luis na babalik pa rin sa show ang Pop Princess.

“Sarah never said naman, ‘I resigned from the show.’

“Sabi niya, ‘I want to take a big breather, I wanna rest from the show muna lang.’

“Never naman siyang nag-goodbye talaga.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN