Daniel Padilla was supposed to star in TV version of Lastikman, says director

According to Direk Fascro Mortiz, Daniel Padilla (in photo) was considered to topbill the TV adaptation of Lastikman, which should have aired after the actor starred in Princess and I.



Dapat pala ay si Daniel Padilla ang bida sa TV version ng Lastikman.

Ito ang kinumpirma ni Frasco Mortiz, direktor ng Super D, sa last taping day ng naturang fantaserye.

Sa kuwento ni Direk Frasco sa panayam sa kanya ng PEP.ph at Cinema News kahapon, gusto niyang matuloy ang naturang proyekto pero nakadepende pa rin ang lahat kung papayag pa si Daniel na bigyang buhay muli ang naturang Pinoy superhero.

“Pinu-push ko kasi siya nung una na mag-Lastikman siya, e, di ko lang alam kung papayag pa siya ngayon pero feeling ko naman depende sa concept.

“Kasi after nung Darna, hawak na ng ABS lahat ng Ravelo [komiks] so why not kung matuloy na yung Darna ni Angel, biro mo kung magdi-DJ [Daniel's nickname] ka na Lastikman, di ba? Iba rin pag pinagsama-sama mo na, kung may mag-Captain Barbell din na isa, puwede ka ng gumawa ng sarili nating Ravelo universal cinema kaya pinu-push naming na sana matuloy na yung Darna.

“Nagra-rally ako na sabi ko ibigay ninyo sa akin kasi before kasi dapat gagawin namin nung TV siya uli, nung ire-revive siya sa TV naka-attach ako. Nag pinch hit kami ng kuwento, si DJ dapat, nung younger pa siya, after Princess and I.

“Nung time na yun, teen na teen pa siya, siyempre ngayon nag-iba na siya, nag-mature na siya. Gagawa siya ng movie with Inang [Olivia Lamasan] so magi-iba yung casting, mag-iiba yung kuwento, di ko lang alam kung puwede pa rin yung kuwento na medyo maloko.

“Di ko alam kung game pa siya if ever na i-offer sa kanya. Siguro depende sa istorya, alam mo naman si DJ, kung feeling niya bagay sa kanya, gagawin niya yun. Siyempre iingatan din niya ang image niya, 'Direk, parang di bagay sa akin.'”

Ang Pinoy komiks superhero na Lastikman ay ginampanan ni Vic Sotto sa 2003 movie version.

Nagkaroon uli ng movie version (titled Mars Ravelo's Lastikman: Unang Banat) noong 2004 na pinagbidahan ni Mark Bautista at Sarah Geronimo.

Naipalabas na rin ng ABS-CBN ang 2007 fantaserye na pinagbidahan ni Vhong Navarro at Iya Villania.

Noong 2013 naman nagtapos ang Princess and I teleserye ni Daniel at Kathryn Bernardo.

Ayon kay Direk Frasco, ang karakter ni Lastikman ang pinakapwedeng paglaruan sa lahat ng superhero characters na likha ni Mars Ravelo dahil hindi ito tahi sa kuwento gaya ng iba.

“Sa lahat ng Ravelo characters kasi si Lastikman yung puwede mong laruin, na puwede mong medyo baguhin yung kuwento. Si Darna kasi tahi na siya dun sa bato, tahi ka dun kung saan nanggaling yung bato, kung sino siya at kung bakit may bato siya. Yung Lastikman kasi medyo puwede mong galawin yung character niya, e."


SUPER D FINALE. Di man natuloy na gawin ang Lastikman ay nakapag-direk naman si Direk Frasco na isa ring Pinoy superhero sa katauhan ni Super D na ginagampanan naman ni Dominic Ochoa.

Ang Super D ay nakatakdang magtapos next week, July 15.

Ano-ano ba ang mga challenges na hinaharap nila sa paggawa ng isang fantaserye?

“For me yung effects kaya nga sinasabi ko suwerte pa rin kami kasi nga city pero ini-imagine ko before yung Lobo o yung Imortal na may mga gubat o Juan dela Cruz na palipat-lipat sila ng locations tapos may mga prosthetics pa.

“Yung amount of time lang given to do it, siyempre make up pa lang, dalawang oras then rehearsal then isyu-shoot mo pa siya. I think yung amount of time na kailangan para ma-achieve mo siya ng maganda, di biro and then yung amount of time na given din, makikita ninyo yung kaya nating oras. Ipagkakasya mo siya sa time na binigay sa iyo. Yun ang challenge talaga na matapos natin ito nang maayos within this time frame. E, ngayon istrikto pa kami na na 2:00 am na pack up na, di na kami nage-extend, e.

“Yun na naman ang additional challenge na, 'Direk hanggang 2:00 am,' 'Teka, mayroon pa akong dalawang shots so ihahabol natin ngayon 'yan.'

“May ngarag factor lang i-squeeze mo lahat ng kailangan mong makunan within the time frame. Direk, pawis, tanggalin mo yung maskara, yung costume gumagalaw, ayusin mo uli yung costume. Yung ganung maliliit na bagay na pag inipon mo, ang laki ng delay but you have to work around it. Yun ang malaking challenge.”

Binahagi din sa amin ni Direk Frasco ang ilan sa mga dapat abangan sa nalalapit sa pagtatapos ng Super D.

“For me kung ano ang mangyayari sa magkaibigan kasi maglaaban sila for the last time with their powers, magkakatapat sila.

“Parang magkakapatawaran ba sila in the end, babalik ba yung dating bestfriend ni Dodong na si Tony o lalamunin nab a siya totally nung kasamaan o ng powers ng pulang diyemante. Yung nag-fueled kasi kay Tony is inggit, e, nasa akin ang lahat, ako ang mayaman, ako ang sikat pero yung hinahanagad ko nasa iyo.

“Yung pamilya, yung babaeng minamahal ko ikaw ang gusto. Ikaw yung may nanay na nagmamahal sa iyo, mayroon kang tatay na nagmamahal sa iyo, ako wala. I have everything but I am nothing. Kung ano ang magiging resolution ng dalawa, magkakabati ba sila in the end or revenge lang ba yung habol ni Dom kasi siyempre nawala na Sir Pablo, si Sir Noni, paghihiganti ba niya o mananaig pa rin ba yung kaibigan kita di kita kayang patayin.”

Para kay Direk Frasco kung mayroon man siyang gustong iwang mensahe sa mga tagasubaybay ng Super D, ito ay bawat isa sa atin basta may malinis na hangarin ay maaring maging superhero kahit wala kang tinataglay na super powers.

Ayon din sa direktor kung gugustuhin raw na ituloy ang kuwento ni Super D ay maaari itong gawin na iba na karakter na gaganap.

“Kahit naman sino sa atin kung tama yung puso, tama yung hangarin sa bayan, puwedeng maging Super D. Sabi ko nga, kung gusto ninyong ituloy puwedeng teenager naman yung [bida]... ibang tao naman yung magiging Super D, iba naman ang market nun, iba naman ang atake niya.

“Parang teenager naman na awkward stage na di malaman kung paano gamitin yung powers niya pero dyina-juggle niya yung role niya as a teenager or a highschool student. Maraming puwedeng puntahan. If ever they decide na gawin uli, maraming puwedeng gawin dun sa kuwento.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN