Max Collins' character in Encantadia 2016 was not seen in original telefantasya

Max Collins on her character on Encantadia 2016: "Wala siya sa dating series so bagong character siya."



Ilang araw na lang ay muli na namang mapapanood ang pinaka-aabangang "requel" ng GMA-7 telefantasya na Encantadia.

Sa darating na July 18 na ipapalabas sa GMA Telebabad Primetime block ang nasabing fantasy series sa ilalim ng director nitong si Mark Reyes.

Isa sa pinaka-aabangan ng mga Encantadiks ay ang ang pagganap ng mga Kapuso actresses na sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez na gaganap bilang sina Pirena, Amihan, Alena, at Danaya.

Bukod dito, inaabangan ang makabagong teknolohiya na ginamit ng Kapuso network upang mas mapaganda lalo ang computer graphics at iba pang special effects ng kanilang programa. Dagdag pa dito ang mga bagong tauhan na pakakaabangan ng mga Kapuso viewers.

Nitong Martes, July 6, marami ang napabilib sa panibagong trailer ng Encantadia kung saan ang aktres na si Max Collins na gaganap sa isang special character sa re-telling ng Encantadia.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Max sa Sunnies Specs Party sa Makati City nitong Miyerkules at ibinahagi nito ang kanyang reaksyon nang mapanood ang sarili sa trailer.

Sabi ni Max, "Astig kasi akala ko hindi ako isasama, so akala ko parang secret yung character ko so hindi rin ako isasama sa trailer. Natuwa lang ako kahit papa'no at least kita pa rin ako so magandang exposure yun."

Dagdag pa nito, "I'm a big fan of Encantadia as well so I'm just happy to be a part of it."



Sa trailer, makikita ang karakter na gagampanan ni Max na nakasakay sa isang dragon na lumilipad. Kuwento nito, mapapanood din agad ng Encantadiks ang eksenang ito sa unang linggo pa lang ng kanilang palabas.

Ani Max, "Yung eksenang yun, basta sa pilot week siya eere. But like I said before, it's a short role lang pero sweet. It's a sweet role, I'm happy with it but yun lang yung masasabi ko kasi secret pa yung character ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan sa mga fans ng Encantadia 2016 ay hinihinalang ang karakter na gagampanan ni Max ay si Aera, na dating ginampanan ni Margaret Wilson. Sa original version si Aera ay "Kambal Diwa" ni Amihan na mayroon ding kapangyarihan ng hangin tulad nito.

Paglilinaw naman ni Max, isang bagong karakter ang kanyang gagampanan na wala sa original version ng Encantadia. Aniya, "Yes, wala siya sa dating series so bagong character siya."

Tinanong na rin ng PEP kung hangin din ba ang kapangyarihan ng kanyang karakter ngunit hindi ito direktang sinagot ni Max. Saad nito, "Maybe, maybe air-related ang powers ko pero hindi ko pa talaga puwedeng sabihin."

Sa ngayon, tapos nang gampanan ni Max ang kanyang role sa Encantadia ngunit kung sakaling muli siyang kunin ng produksiyon ay hindi naman daw ito magdadalawang isip na tanggapin ito.

Paliwanag ni Max, "Sana, sabi ko kahit extra na lang ako sana makasama pa rin ako because I love Encantadia! It's like... pang-international talaga yung gawa ni Direk Mark this time, yung pagdi-direk niya, yung effects, and everything. Sobrang hanggang-hanga ako sa kanya."

Matapos ang kanyang espesyal pagganap sa Encantadia 2016, pinaghahandaan naman ni Max ang kanyang susunod na proyekto sa Kapuso network, ang Someone To Watch Over Me, na kinabibilangan din nina Lovi Poe at Tom Rodriguez.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN