Marco Masa will miss working with Super D co-stars Marvin Agustin and Dominic Ochoa



Ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng drama fantasy serye na Super D, aminado ang child actor na si Marco Masa na ngayon pa lang ay nakakaramdam na siya ng pagkalungkot dahil magkakahi-hiwalay na sila ng mga kasama.

Si Marco ang gumaganap na anak nila Bianca Manalo at Dominic Ochoa na siya namang gumaganap bilang Super D sa istorya.

Sa interview ng PEP.ph at Cinema News kay marco sa set visit ng Super D, nagkuwento ang batang aktor kung paano naging isa silang pamilya sa set ng ABS-CBN teleserye.

“Medyo malungkot po kasi po magkakahiwa-hiwalay na kami, di na kami magkakasama. Kasi po sobrang saya po namin, nung nag-start po kami, medyo di po kami magkakakilala tapos po nung bandang gitna na, hayun po naging best friends na po kaming lahat.”

Ayon kay Marco ay mami-miss niya ang parehong kuwela na sina Marvin Agustin at Dominic na parang mga ama na niya sa set.

“Opo si Tito Marvin po palaging nagpapatawa. Si Tito Doms, nagpapatawa din po siya.”

Naka-Super D costume si Marco habang inii-interview namin. Kuwento ng child actor ay may flying scene siya dahil nasa kanya pala ang kapangyarihan ni Super D.

“Nasa akin po yung asul na diamante kasi po na-comatose po yung Daddy ko. Opo, lilipad po ako ng mataas na mataas. Hanggang langit po.”

Binahagi din ni Marco kung ano-ano pa ang mga susunod na kaganapan sa Super D na dapat abangan dito ng publiko.

“Yung nakulong na po si Tony. Mawawala na po yung kasamaan, itatago na po namin yung pulang diamante saka po yung asul na diamante.

Si Marco ay unang gumanap bilang batang anghel sa Nathaniel na maraming aral ang iniwan sa mga manonood.

Ngayon naman, sinabi ni Marco ang mga natutuhan naman niya sa Super D.

“Marami po gaya ng wag susuko. Palagi ko pong sinasabi 'yan. Saka palagi pong maging mabait.”




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN