Sylvia Sanchez elated to get first starring role in teleserye after 27 years in showbiz

IMAGE Noel Orsal

After having paid her dues as a supporting actress, Sylvia Sanchez still can't believe that she has been given her very first starring role via ABS-CBN's upcoming teleserye, The Greatest Love. She admits, "Nnoong nag-artista ako, gusto ko talagang mag-artista at ang gusto kong sundan na yapak, e, Cherie Gil."



Marami ang masaya para sa aktres na si Sylvia Sanchez na matapos ng ilang dekadang pagpapatunay ng kanyang kakayahan bilang isang aktres ay biniyayaan at pinagkatiwalaan siya ngayon ng Kapamilya network ng isang teleserye kunsaan siya ang bida.

Ito ay ang The Greatest Love, na tumatalakay sa kuwento ng isang ina at ng kanyang mga anak. Sa trailer pa lamang ay marami na ang nagkaka-interes at nata-touch.

Sa ginanap na presscon ng The Greatest Love sa Dolphy Theater, halatang hindi sanay si Sylvia na humarap sa press bilang bida at sentro ng atensyon.

Ano nga ba ang pakiramdam na sa kanya ibinigay ang ganitong klaseng teleserye?

“Thankful and honored na napunta sa akin ang role na ito.

“Na parang until now, hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko na ako yung bida. Hindi talaga.

“Kasi, palagi kong sinasabi sa kanila na atin ‘to, pamilya ‘to. Walang bida rito kundi tayong lahat.

“Unsung acting, di ba? Unsung actors, kasi hindi ko ‘to kakayanin kung ako lang.”

Sabi pa niya, “Istorya ng pamilya ‘to. Kukuha lang ako ng lakas, emosyon sa mga anak ko.

“Kasi, kasama ko si Dimples [Romana] na ang galing, Andi [Eigenmann] na ang galing, Matt Evans, Arron Villaflor na dyusko po… kapag tinitigan ko pa lang sila...”

Dalawampu’t pitong taon na pala si Sylvia sa showbiz.

Pero sa loob ng mga panahong yun, ngayon lang siya naging bida talaga sa isang teleserye.


UNEXPECTED BLESSING. Inasahan pa ba niyang mangyayari pa pala ito sa kanya?

Pag-amin niya, “Actually, hindi.

“Kasi, noong nag-artista ako, gusto ko talagang mag-artista at ang gusto kong sundan na yapak, e, Cherie Gil. Yung alam niyo na ganyan lang, kontrabida, steady.

“Kapag nawala ako, kukunin at kukunin ako.

“Walang lokohan, pero hindi talaga ko nangarap na ako yung bida.

“Pero thankful ako. Thank you, Lord.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, binigay niyo sa akin at the age of 45, after 27 years, so lutang, floating.

“Hindi ako makapaniwala,” saad niya.


CHALLENGING ROLE. Sa lahat naman daw ng ginawa niyang karakter, masasabi niyang pinakamalapit sa puso niya at pinaka-personal sa kanya ang The Greatest Love kunsaan gaganap siya bilang isang ina na may mga “isyu” sa mga anak at nagkaroon ng Alzheimer’s disease.

“Sobra, sobra, pinakamalapit.”

Sabi pa niya, “Ito yung may pagka-Sylvia talaga.

“Malapit ito sa totoong buhay ko, kaya katakut-takot ito na emosyon, marami akong mahuhugutan at sana, magustuhan niyong lahat.”

Mas matindi ba ang pressure ngayon dahil siya na ang bida?

Lahad niya, “Actually, yung responsibilidad, mas lumaki lang.

“Kasi siguro, hindi pa nagsi-sink in, so walang pressure.

“Alam mo yung, like sinasabi nila sa akin, 'Ang ganda ng show mo, ha.' 'Okey, salamat,' ganun.

“Hindi ko pa nararamdaman.

“Actually, ayokong ipasok sa isip ko na bida na 'ko, kasi yun nga, ayokong ma-pressure, ayokong kabahan.

“Baka maapektuhan ang pagganap ko. Basta palagi kong sinasabi na lahat kami rito, bida.”


STILL OPEN TO SUPPORTING ROLES. Nilinaw ni Sylvia na walang magiging kaibahan sa kanya kung ginawa man siyang bida ngayon.

Pagkatapos daw ng The Greatest Love ay gugustuhin pa rin daw an muling balikan ang kanyang pagiging supporting actress.

“After nito, halimbawa, next project ko, supporting ako, hindi ako mamimili.

“Puwede akong maging bida, puwede akong maging kontrabida.

“Ayoko nung, kapag bida, bida lang ako.”


NOT WORRIED ABOUT RATINGS. Dahil bida na siya ngayon, aminado naman si Sylvia na pag dating sa ratings, sa kanya na mas nakasalalay ang responsibilidad dahil siya ang bida.

Nararamdaman ba niya ang pressure pagdating sa aspetong yun?

“Well, sabi nila, yung rating nga raw. Pero alam niyo, sa totoo lang, naniniwala kasi ako sa project.

“First time na about nanay yung istorya na ganito katindi, tapos may Alzheimer’s, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi yung mga nanonood ngayon, hindi na sila after run sa bidang sikat na sikat.

“Matatalino na ngayon ang mga viewers, gusto na nila yung istorya.

“Napatunayan ko ‘to, Be Careful With My Heart, wala kaming mga kasamang sikat na sikat, pero run nabuo.

“Dun sumikat nang husto sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

“Tapos yung Ningning namin, ang bida run, si Janna Agoncillo, yung mga bata, pero napansin ng mga viewers, kasi maganda ang istorya, so naniniwala na ako.”

Dugtong pa niya, “Ngayon kasi, puso sa puso. Kapag may puso ang soap, kakagatin.”


STILL HUMBLE. Natawa naman si Sylvia nang tanungin namin kung ano ang pakiramdam niya na ngayon ay solo niya ang poster ng teleserye. Dati raw, sa dami na ng nagawa niyang teleserye, madalas ay hindi siya naisasama sa mga posters o promo materials.

“Masaya siyempre,” natawang sabi niya.

“Nagpapasalamat ako sa Diyos nang sobra-sobra.

“Minsan sa bahay, napapatulala pa rin ako, 'Talaga Lord? Anong ginawa ko sa buong buhay ko na binigay mo sa akin ‘to, na deserve ko ‘tong binigay mo sa akin na regalong ‘to?'

“Basta ang alam ko lang, nasa isip ko lang, na ngayong binigay sa akin na regalo ni Lord, tinaas mo ko, mas lalo akong magpapakumbaba.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN