John Arcilla fulfills long-cherished dream of playing a fantasy character in Encantadia

John Arcilla admits that playing the role of Haring Hagorn in GMA-7's Encantadia requel is a dream come true: "Ang tagal-tagal ko nang pinapangarap na magkaroon ng isang character sa film or sa TV na fantasy. I love watching movies na may fantasy theme, like The Chronicles of Narnia, The Lord of the Rings and the X-Men series. Mahilig ako sa mga ganyan, sa mga spectacular productions."

 



For the first time ay gaganap bilang isang character sa telefantasya ang award-winning actor na si John Arcilla.

Si John ang napili para gumanap bilang si Haring Hagorn sa muling pagbabalik ng Encantadia sa Kapuso network.

Ang orihinal na gumanap na Haring Hagorn noong 2005 ay si Pen Medina.

Sa pamamagitan ng social media ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John dahil wala siya sa grand press launch ng Encantadia noong July 13 sa Studio 7 ng GMA Annex Building.

Ayon sa Heneral Luna actor, matagal na raw niyang pangarap ang gumanap sa isang character ng isang telefantasya.

“Ang tagal-tagal ko nang pinapangarap na magkaroon ng isang character sa film or sa TV na fantasy.

“I love watching movies na may fantasy theme, like The Chronicles of Narnia, The Lord of the Rings and the X-Men series.

“Mahilig ako sa mga ganyan, sa mga spectacular productions.

“In fact, mas nanonood ako ng mga gano’n kaysa roon sa mga serious movies kasi ginagawa na natin 'yan parati,” pahayag pa ni John.

Nakilala kasi si John sa pagganap sa mga mabibigat na roles, mula sa paglabas sa mga theater productions ng PETA hanggang sa pagpasok niya sa pelikula at telebisyon.

Kabilang sa mga unforgettable film roles ni John ay galing sa mga pelikulang Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin, Mulanay, Sa North Diversion Road, Compound, Metro Manila, Manila Skies, Halaw at Heneral Luna.

Patuloy niya, “I love doing indie films. Pero pagdating sa 'kin bilang manonood, gusto ko naman na 'pag manonood ako ay mae-entertain ako.

“So I really watch these costumed productions like Superman, Batman, etc. Fan ako ng mga 'yan since bata ako hanggang sa ngayon.”


DREAM COME TRUE. Kaya noong ibigay sa kanya ang role na Haring Hagorn, sobrang natuwa ang aktor dahil katuparan ito ng kanyang matagal ng pangarap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya, “It's a dream come true for me.

“Malayung-malayo sa huling ginawa kong teleserye for GMA-7 na That’s My Amboy.

“Doon, pa-comedy lang tayo. Dito sa Encantadia, heart and soul ang binigay ko sa pagganap as Hagorn.

“Ang sarap lang kasi minsang mag-indulge sa fantasy, nakakaalis ng stress.

“Sometimes kasi it's okay lang naman na minsan we escape from reality.

“I wanna play Hagorn like a king but with human frailties.

“Kahit naman hari, mayroon siyang insecurities.

“Ang first na pain ni Hagorn ay ang pagkabigo niya sa pagmamahal kay Reyna Mine-a [played by Marian Rivera-Dantes].

“Kumbaga, yung passion na 'yon, nag-turn into something really chaotic.

“Maraming paghuhugutan si Hagorn, hindi siya simpleng masama lang.

"Marami siyang gagawin dito bilang paghihiganti at gusto niyang maramdaman ng marami ang pinagdaanan niyang paghihirap, lungkot, sakit at galit.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN