Pancho Magno hones swordfighting skills for Encantadia

IMAGE Noel Orsal

Pancho Magno says the Encantadia 2016 cast went through intensive sword training: "Opo, nag-training kaming lahat kasi gumagamit kami ng live swords, e. Para magandang tingnan. Halimbawa, may fight scenes kami sa hapon. Iko-calltime kami nang mas maaga para makapag-training kami."

 



Gaganap si Pancho Magno bilang si Hitano sa requel ng Encantadia sa GMA-7.

“Tinanong ko sa kanila [GMA production team] kung ano ang karakter ni Hitano. 'Okay, okay, astig, sobrang astig!'” bulalas ni Pancho nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand presscon ng Encantadia sa Studio 7 ng GMA Network Center.

Mabait ba siya bilang si Hitano?

“Unpredictable, e!

“Saka yun nga, tinanong ko sila kung ano ang mangyayari, kasi gusto kong paghandaan.

“Sabi nila, ‘Pancho, hindi mo kailangang mag-expect, don’t expect anything. Kasi it’s a fantasy show and it’s a requel, prequel na remake, so…'”


INTENSIVE TRAINING. Matindi rin daw ang naging training nila.

“Opo, nag-training kaming lahat kasi gumagamit kami ng live swords, e.

“Para magandang tingnan. Halimbawa, may fight scenes kami sa hapon.

“Iko-calltime kami nang mas maaga para makapag-training kami.”

Noong nalaman niya na parte siya ng Encantadia, ano ang una niyang naramdaman?

“Kinakabahan, excited, unang-una yung kaba.

“Pero nung sinusukatan na po kami ng costume, dun na, ibang klase na yung feeling!

“Kasi una, dito e, sa mukha.

“Meron kaming hood, two hours. Tapos, dito naman [sa katawan], tapos dito naman sa legs.

“Lahat talaga may sukat kaya sabi ko, ‘Grabe!’

“Saka yung sword namin, live ito, e. Tingnan mo, ang bigat,” sabay-pahawak sa amin ni Pancho ng espada niya na mabigat nga.

Apat na action projects na ang nagawa ni Pancho. Una sa Amaya at sumunod sa Ang Lihim Ni Annasandra na sa GMA din, at may pelikula siya, ang Pilapil na isang indie film.

“Puro fight scenes din kaya hindi ako masyadong hirap.

“Ito, sa Encantadia, ang astig dahil ang laki, e.

“Ang laki ng cast, ang laki ng mga kingdom, ang laki ng project.”


LOVE LIFE. Kinumusta naman namin kay Pancho ang lovelife niya.

Sila pa rin ba ni Max Collins?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman… friends po,” at ngumiti si Pancho.

Hindi sila nagkaroon ng eksenang magkasama sa Encantadia kung saan gaganap si Max bilang si Amihan na kapatid ni Ynang Reyna Minea, na ginagampanan naman ni Marian Rivera.

“Hindi, e. Wala pa ako [as Hitano] nung time nila.

“Ka-batch ko, ka-age ko [sa kuwento] yung mga Sang’gre.”

Ang apat na Sang’gre ay sina Amihan (Kylie Padilla), Alena (Gabbi Garcia), Danaya (Sanya Lopez) at Pirena (Glaiza de Castro).

Nanghinayang ba siya na wala silang eksena na magkasama ni Max?

“Yung totoo?

“Hindi namin alam kung ano ang gagawin namin pag nagka-eksena kami, kasi siyempre baka matawa kami, e.

“Iba yung galing dun, na develop-an, naging close, at least nag-start sila as love team.

“Pero pag yung nag-start kayo as friends outside a show, so iba, iba.

“But may mga ginagawa na kami, nag-workshop na kami with Direk Laurice [Guillen]. Okay naman, okay naman.”


STILL MUM ON REAL STATUS OF RELATIONSHIP. May agreement ba sila ni Max? Pareho kasi silang walang inaamin kahit noon pa noong napapabalitang totoong may relasyon silang dalawa.

“Okay naman po kami,” matipid niyang sagot.

Wala silang inaaamin kahit maraming may alam na lagi silang magkasama, kahit sa mga trips abroad.

“Marami po kami nun,” at tumawa ang hunky Kapuso actor.

“Nandun yung kapatid ko, nandun yung…”

Kahit ayaw umamin, sumundot kami ng tanong kay Pancho kung ilang years na ba silang “magkaibigan” ni Max.

“Three years,” sagot naman ni Pancho.

“Pag tinatanong niyo po siya ano po ang sinasabi niya?” biglang balik-tanong sa amin ng binata.

“Tatanungin pa lang namin,” ang balik-sagot naman namin sa kanya.

“Gusto ko manggaling sa kanya, e,” sinabi ni Pancho.

Gusto ba ni Pancho na si Max na ang mapangasawa niya?

“Oo! Opo.

“Pag tinatanong nga po ako na, ‘Dati crush mo si Max, ngayon ano?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hanggang ngayon, crush ko pa rin naman siya, e.

“Mabait po yun!”

Handa na ba si Pancho na mag-asawa?

“Ang hirap mag-ano, e. Pero…

“Pag nakilala mo na, siyempre… hindi ko masasabi, but in God’s time.

“Darating po dun.

“Best of friends,” ang pagde-describe ni Pancho sa sitwasyon nila ni Max.


ACCIDENTS ON THE SET. Ang huling regular show ni Pancho sa GMA ay ang Ang Lihim Ni Annasandra na nagtapos noong February 2015. Medyo matagal rin bago nasundan ng Encantadia ngayong July 2016.

“Nag-guest po ako sa The Half Sisters.”

Sa Encantadia, dahil nga may fight scenes sila na may mga hawak na sandata, nagkakasakitan ba sila?

“Tina-try po namin na hindi,” at tumawa si Pancho.

“May ganun, e, siyempre hindi naman po maiiwasan.

“Minsan sa environment, yung set, minsan umuulan, maputik, madulas, yung sword mo minsan mabibitawan mo.

“Kaya si Direk [Mark Reyes], sinasabi na kung may time, mag-practice kami para pagdating namin sa set mas mabilis na lang.”


(To learn more about this telefantasya, view: Encantadia 2016 budget revealed and other things to know about GMA-7's epic telefantasya)







WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN