Gabbi Garcia moved to tears when she bagged Alena role in Encantadia 2016

Gabbi Garcia feels ecstatic about bagging her role as Alena in GMA-7's Encantadia requel: "Feeling ko, 'eto na talaga yung once in a lifetime opportunity na matatandaan ko, from this day up to the future. Ako na talaga si Alena!"




Halos lahat yata sa cast ng Encantadia ay overwhelmed sa ginanap na grand presscon ng epic telefantasya sa Studio 7 ng GMA Annex Building.

Mapapanood na ngayong Lunes, July 18, ang kinikilala bilang pinakamalaking fantaserye ng Kapuso network.

Si Gabbi Garcia ang gaganap bilang si Alena, ang ikatlo sa magkakapatid na Sang’gre. Hindi raw niya napigilang maging emosyunal habang pinapanood nila sa backstage ang trailer at pinapakinggan ang pagpapakilala sa buong cast.

“Naiiyak kami sa likod!” bulalas ni Gabbi.

“At saka kinakabahan ako actually, bago ako lumabas.

“Kinakabahan ako, ang lamig-lamig ng kamay ko.

“Feeling ko, ‘eto na talaga ang hinihintay ko sa career ko.

“Feeling ko, makakalakad na ako in front of everyone as Alena talaga.

“Feeling ko, ‘eto na talaga yung once in a lifetime opportunity na matatandaan ko, from this day up to the future.

“Ako na talaga si Alena!” saad niya.


PREPARATIONS. Hindi naman maitatanggi na dahil sa pagkakakuha nila ni Ruru Madrid bilang dalawa sa pinaka-importanteng karakter sa Encantadia (bilang Sang’gre Alena at Ybarro na orihinal na ginampanan noon nina Karylle at Dingdong Dantes) ay posibleng may mga naiinggit sa kanila.

Lalo pa nga’t maraming Kapuso ang nag-audition talaga.

Sabi naman ni Gabbi, “Naka-apat na call back yata ako and ever since, si Alena na po talaga ang target kong ipag-audition.

“Pero pinag-try rin nila ako na Amihan.

“Ang sarap sa pakiramdam na finally, ako na talaga si Alena.

“Parang hard work paid off dahil talagang lahat ng audition, pinaghandaan ng bawat isa.

“Nag-crash course pa ko sa arnis para may mai-present na numbering sa audition.

“And talagang pinanood ko ang mga forty episodes ng Encantadia para lang malaman ko ang background ng Encantadia. Inaral ko siyang talaga.”

WORKOUT. Bukod sa pagtakbo sa umaga, grabe rin daw ang diet niya bilang preparasyon sa karakter niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahilig kasi akong kumain.

“Pero ngayon, talagang fruits ako. Nagka-calorie counts ako.

“E, dati hindi naman ako naggu-gulay,” lahad niya.

HAPPY FOR RURU. Noong ipinalabas daw ang orihinal na Encantadia, 6 o 7 taong gulang lang daw siguro siya.

Kuwento pa ni Gabbi, “Noong sinabi nga na part kami ng Encantadia, umiyak ako, literal.

“Na parang ang saya rin, looking at it, nakasama ko pa si Ruru.

“Kasi, hindi naman namin pinag-usapan na, 'Tara, mag-audition tayong dalawa,' walang ganun.

“Sinabi ko sa kanya na feeling ko, gusto kong mag-audition sa Encantadia.

“E, siya, noong unang audition, hindi siya nag-audition, e.

“Ako lang, nagulat na lang ako na biglang napag-decide rin niya. Na-inspire po siguro.”

SOLID RELATIONSHIP. Malaking bagay rin daw na maging sa Encantandia, tuluy-tuloy pa rin ang loveteam nila ni Ruru Madrid.

“Siyempre po, yung fans namin, sobrang tuwang-tuwa sila.

“At sabay naming natupad ang pangarap namin na mapabilang sa isang remarkable show, which is Encantadia.

Anim na buwan din daw silang hindi nagkasama ni Ruru pagkatapos nilang gawin ang Let The Love Begin.

Pero off-cam, pareho naman nilang inamin na nagkakasama pa rin sila. Nakakapanood sila ng sine, at kumakain din sa labas.

Katuwiran ni Gabbi, “Pangit naman na dahil lang nagkahiwalay sa show, sisirain na namin ang pagsasamahan namin.”

Ayon kay Gabbi, 17 anyos pa lang daw siya.

Kung sakali, mga sampung taon pa raw maghihintay si Ruru na sinagot naman ng huli na kaya niyang maghintay.

“We’ll see, let’s see,” ang natatawang sagot naman ni Gabbi.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN