Glaiza de Castro reveals she got hurt during fight scene with Kylie Padilla in Encantadia

IMAGE Noel Orsal

Glaiza de Castro on playing Pirena in Encantadia 2016: "I believe I am worthy of this character."



Sa Encantadia 2016, si Glaiza de Castro ang gaganap bilang Pirena, ang dating karakter na ginampanan ni Sunshine Dizon sa 2005 version.

Nang makausap namin si Glaiza kamakailan sa grand presscon ng Encantadia, sa kabila ng matagal na silang nagte-taping at naghahanda para sa naturang fantaserye, pagkapanood lang daw ng pilot episode nag-sink-in sa kanya ang lahat.

"Parang ngayon lang nag-sink-in sa akin na kasama pala ko sa Encantadia," ang pahayag ni Glaiza.

"Siyempre, 'di ba, ang sarap ng pakiramdam. Iba yung pakiramdam ng pinapanood mo sa actual na ginagawa mo.

"Siyempre, sa taping, sa shooting, minsan, nakakapagod. May mga ganung thinking ka, pero kapag nakita mo ang over-all look, gagalingan mo pa lalo.

"Thank you dahil kasama ko," saad niya.

Sa apat na Sang'gres, masasabi sigurong isa sa pinaka-kilala ay si Pirena. Siya lang kasi ang may pagka-kontrabida ang karakter sa kanilang apat. At nagmarka si Pirena noong ginampanan ito ni Sunshine Dizon.

Mas nakaka-pressure ba yun sa kanya?

"Before the show started, sobra-sobra ang pressure. As in, alam ng mga magulang ko 'yan na talagang minsan, hindi nila ko nakakausap dahil sa sobra-sobrang pressure.

"Parang lahat na lang, iniisip ko, kahit yung mga bagay na hindi ko dapat iniisip. Pero noong nata-try ko siyang i-convert into something na challenging siya at saka blessing siya, mas gumagaan ang pakiramdam ko.

"Kasi, kapag inisip mong pressure, mas naghi-hinder siya sa performance ko, mas naghi-hinder siya sa mga dapat mong gawin. So, instead of thinking na pressure, sa akin na lang, it's more of a challenge na mas dapat kong malagpasan."

Hindi raw pinanood ni Glaiza ang buong Encantadia dati dahil ayaw rin daw niya na maging conscious siya at magaya ito. Pero para lang may idea, pinanood daw niya ang ilang episodes.

Mako-consider ba niyang sa rami na rin niyang nagawang teleserye o karakter na nagampanan, pinaka-best na teleserye pa rin na dumating sa kanya ang Encantadia o gaano ito kalaki para sa kanya?

"Masasabi ko na isa ito sa mga dreams ko," saad ni Glaiza.

"At saka, noong ginagawa na namin siya, nasabi ko sa sarili ko na ang dali-daling sabihin at ang dali-daling i-wish na sana, maging Royal Princess ako, sana masama ako sa mga action series, siyempre kapag nakikita mo sa TV, nakaka-excite, parang ang sarap mapasama sa mga ganung klase.

"Pero kapag nandun ka na, mahirap palang talaga.

"Pero ibang klaseng fulfillment ang nararamdaman namin especially now that you've already seen the first episode. Parang wow, ang sarap, hindi pala talaga lahat ng magagandang bagay, e, madali," nakangiti niyang pahayag.

Bilang si Pirena, isa raw sa pinaka-challenging sa kanya ay ang mga fight scenes.

Sabi pa ni Glaiza, "Isa yun talaga, e, kasi ang drastic ng change. Nagbago yung lifestyle ko ngayon.

"Ngayon, ang feeling ko, hindi na ko puwedeng magpuyat talaga. Nabawasan na yung mga labas ko, more on running na ko, nagdyi-gym na ko. Kailangan mo ng energy, para kang athlete rito, hindi mo alam kung kailan kukunan ang fight scene mo."

Halos lahat naman daw sila, nag-undergo ng training na arnis.

"First time kong nag-arnis, ang hirap," saad niya.

"Lalo na yung nakakalito siya, pero dahil palagi naman akong nae-excite sa mga bagong bagay, kahit na mahirap siya, sige, game, game, gawin natin ito ng tama."

Inamin ni Glaiza na may pagkakataon nga raw na nasasaktan talaga siya sa mga fight scenes nila.

Lahad niya, "Oo, may fight scene kami ni Kylie [Padilla], kumuha sila ng Wushu artist, talagang legit. Siyempre, hindi naman siya masyadong—totoo, e, totoo yung mga bigay niya.

"Hindi siya train for cinematic purposes. Train siya for competition talaga. So, noong ginagawa namin ang fight scene, aray, gumaganun talaga ko.

"Pero worth it naman yun dahil maganda ang kinalabasan."

Natawa naman si Glaiza nang tanungin kung masasabi niyang talaga kung may kumukuwestiyon man sa pagiging Pirena niya na siya naman talaga ang karapat-dapat sa role.

"Well, nandito na ko," natawa niyang sabi.

Dugtong pa niya, "I believe I am worthy of this character."

Paano niya babaguhin ang mukha ni Pirena na unang nakilala?

"I think nabago ko na, habang tumatagal, mas nae-embrace ko na ang character ni Pirena. Nailalayo ko siya sa Pirena na nakagisnan ko. Kasi siyempre, naabutan ko rin naman ang Encantadia before, nire-watch ko pa siya, so meron ka talagang fix image of who Pirena is, pero noong nag-start na kami ng taping, hindi mo maiwasan din na mag-create ng panibagong mundo, e.

"Encantadia pa rin siya, pero bago na ang mga kasama mo, bago na ang surroundings mo, ang settings, iba na talaga. So I think, nalayo na rin and nae-excite ako na makita ng audience kung gaano ito kaiba."



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN