"Matanglawin" features asong pinoy on August 17


Kim Atienza, the host of ABS-CBN's Matanglawin, shows different kinds of dogs in the Philippines. The episode airs on August 17, 2008.



Mapapanood na ang iba't ibang uri ng matatalinong aso na puno ng nakakaaliw na talent ngayong Linggo (August 17) sa Matanglawin.


Kilalanin din ang mga "aspin" (asong pinoy) na kahit walang breed at hindi mamahalin ay talaga namang kayang makipagsabayan pagdating sa galing at talino.


Kilalanin din ang mga tinaguriang working dogs o mga asong sinanay para tumulong sa tao, tulad na lang ng mga bomb-sniffing dogs na ginagamit para mahanap ang mga nakatagong bomba.


Pati na rin ang mga therapy dogs na dumadalaw sa mga hospital para magbigay-saya sa mga may sakit at maghatid ng ngiti sa mga batang nasa bahay ampunan.


Pero bukod pa diyan, aakalain niyo bang may aso pa lang hindi tumatahol? May aso din na puno ng kulubot ang mukha at meron ding kalbo at walang balahibo.


Samahan si Kuya Kim Atienza na kilalanin ang iba't ibang uri ng aso sa nag-iisang mapanuri, mapangahas at mapagmatiyag na programa, Matanglawin ngayong Linggo, 11:00 ng umaga bago ang ASAP '08.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN