Christian Bautista trained for a month to prepare for Encantadia 2016

IMAGE Noel Orsal




Sa Encantadia 2016 ay gumaganap si Christian Bautista bilang si Apitong.

“Si Apitong ay isang mandirigma. Kami ay galing sa lumang Sapiryan, nakatira kami sa mga bundok. Hindi natin alam kung kakampi kami sa mga Sapiro, Lireo o Hathor. Inalagaan ko si Ruru Madrid [Ybarro] mula bata hanggang sa pagtanda.

“At pagtagal malalaman ninyo sa istorya kung sino talaga siya. So sikreto muna.”

Magiging salbahe ba siya sa kalaunan ng kuwento ng Encantadia?

“Puwede, malalaman natin. Para maiba, para malagyan ako ng bigote konti,” at tumawa si Christian.

“Neutral. Naka-neutral kami so parang puwede kaming umano.”

Ikinatuwa raw niya ng malaman niyang kasali siya sa requel (remake + sequel) ng Encantadia.

“Ako, gustung-gusto ko talaga kasi fan ako ng Encantadia, fan ako ng Lord of the Rings, ng Game of Thrones. So pag batang lalaki ka tapos makakapaglaro ka ng costume at espada, enjoy talaga!”

Unang beses rin niya na sasabak sa matitinding action scenes sa harap ng kamera.

“Kaya dapat talaga ingat, e, kasi matalas ito, ha,” pagtukoy sa sandata na hawak niya habang kausap namin. “Kapag tumama ito, makakasugat ka.”

Isang buwan raw silang nag-training bago nag-taping.

Pangunahing mga karakter sa Encantadia ang mga Sang’gre na sina Amihan (Kylie Padilla), Alena (Gabbi Garcia), Danaya (Sanya Lopez) at Pirena (Glaiza de Castro).

Bukod kina Apitong at Ybarro ay mga karakter rin sa Encantadia sina Raquim (Dingdong Dantes) at Ynang Reyna Minea (Marian Rivera).

Nasa Encantadia rin sina Hagorn (John Arcilla), Aquil (Rocco Nacino), Adhara (Sunshine Dizon), Agane (Rochelle Pangilinan), Gurna (Vaness del Moral), Hitano (Pancho Magno), Wantuk (Buboy Villar), Muros (Carlo Gonzalez), Mira (Kate Valdez), Lira (Mikee Quintos), Pako (James Teng) at sina Muyak (Klea Pineda) at Anthony (Migo Adecer) at si Cassiopeia (Solenn Heussaff).

Mga karakter rin sa Encantadia sina Alira Naswen (Julia Lee), Dado (Leandro Baldemor), Asval (Neil Ryan Sese), Berto (Ryan Eigenmann), Amanda (Angelu de Leon), Ades (Ana Feleo), Arvak (Roi Vinzon), Armeo (Jestoni Alarcon), at si Amihan na kapatid ni Ynang Reyna Minea (Max Collins).


(To view more photos, click: Comparing Encantadia: THEN and NOW)


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN