Cooking show host Jennylyn Mercado reveals dishes she often prepares for son Jazz

IMAGE Rose Garcia



Pagkatapos mag-renew ng contract si Jennylyn Mercado sa GMA-7, sa kanya na binigay ang cooking show na Everyday Sarap with CDO.

Siya ang host ng ten-minute cooking show na magsisimula na ngayong August 7 sa GMA News TV at mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes ng 8:20-8:30 am, 3:00-3:10 pm at 7:00-7:10pm; tuwing Sabado 8:20-8:30 am, 3:00-3:10 pm at 4:50-5:00pm; at tuwing Linggo 12:25-12:55pm, 4:50 to 5:00 pm at 5:40-5:50pm.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn sa taping ng kanyang show sa isang bahay sa Casa Milan, Fairview.

“Maraming bago, binago nila ang concept, binago nila ang title. Iba rin yung way, yung mga guests namin, kumakain na lang sila,” saad niya.

Katulad dati, magluluto pa rin daw siya at natawa si Jennylyn nang sabihin naming mukhang siya na talaga ang in-house host ng cooking show ng CDO dahil siya lang talaga sa loob ng apat na taon.

“Siyempre happy, kasi natutuwa siguro sila sa performance or masaya lang siguro sila na ako yung—baka siguro sanay lang sila. Huwag na lang baguhin, sanay na tayo riyan,” natawang sabi ni Jennylyn.

Pero siya raw kasi mismo, masaya talaga siya sa programa dahil hilig naman niyang talaga ang magluto.

“Alam niyo naman, gustong-gusto kong magluto. Like sa bahay, gusto kong mag-bake, gusto kong magluto at marami akong natutunan.

“Hindi ko naman alam lahat ng pinapagawa nila. Siyempre, lahat ‘yan my script, ginagawa ng chef, gagawin ko na lang. Pero ang dami kong natutunan.

“Kasi, hindi naman lahat yun, alam ko. At least, pag-uuwi ako, gagawin ko na lang. May puwede akong gawin sa bahay.”

Nagagawa nga niya ang ilan sa recipe na nailuluto niya sa show para sa anak na si Jazz.

Kuwento pa ni Jennylyn, “Si Jazz kasi, mahilig ‘yan sa matatamis. Adobong matamis, asado, yung ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, nakakapagluto rin dito like patatim, tocino, asado.”

Ano ang pinaka-paborito niyang niluto sa show?

“Ngayon kasi, meron na silang mga bagong products. Kasi dati yung mga niluluto, karne norte, cheese dogs, burgers, ngayon kasi, meron na silang Kaong, Nata de Coco, may Danes Cheese Spread.

“Yun ang ilan sa mga kaibahan ngayon ng Everyday Sarap With CDO, yung mga bagong products at may peg kasi kami. Hindi ko na lang sasabihin kung ano, pero, international show siya.”

Hindi raw masyadong nagbabasa si Jennylyn ng mga feedback mula sa online kaya wala siyang masyadong alam na sinasabi sa kanya bilang host ng programa.

Pero ayon kay Jennylyn, marami na raw silang pinagdaanan ng cooking show niya.

Sabi pa niya, “At saka, ‘di ba, ang laking bagay na araw-araw, three times a day nila kong nakikita. Ganun yung tulong at importante sa career namin na araw-araw kang nakikita.

“Visible ka, importante ka sa network, tapos yung cooking show, pinapanood, inaabangan ng mga tao. Tapos, ginagawa rin nila sa mga bahay nila.

“Minsan, naka-tag ako sa Instagram. Pinipiktyuran nila at sinasabi nilang yun ang ginawa ko sa Dishkarte [of the Day].”

At dahil apat na taon na rin naman siyang may cooking show bukod sa mahilig pa siyang magluto at mag-bake, naitanong namin kay Jennylyn kung hindi ba niya naiisipang gumawa ng isang cookbook.

“Hindi, e, pero, magandang idea ‘yan ha,” natawang sabi niya.

Dagdag pa niya, “Pero okay ‘yan.

“Yung baking, love na love ko yun kasi, parang therapy sa akin ang nagme-measure, nagmi-mix.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN