Miho Nishida comments on voluntary exit of ex-PBB housemate DJ Chacha

IMAGE James Patrick Anarcon (Miho) / PBB (DJ Chacha)

Pinoy Big Brother 737 winner Miho Nishida (left) would ask ex-PBB housemate DJ Chacha if she gets the chance: "Sasabihin ko sa kanya, 'Bakit ka sumuko agad?'"



Bilang Big Winner ng Pinoy Big Brother 737 last year, hiningan namin ng reaksyon si Miho Nishida tungkol sa ginawang voluntary exit kamakailan ni DJ Chacha sa ongoing na Pinoy Big Brother Lucky Season 7.

Ang ABS-CBN reality show ay ginaganap sa bansang Vietnam.

“Actually naiintindihan ko siya sa part ng nakakalungkot,” ani Miho. “Kasi nakaka-overthinking naman talaga sa bahay ni Kuya.

“Nakaka-overthinking, OT, yung parang nakaka… kahit wala namang nangyayari napapaisip ka ng negative. Nakaka-OT, actually OT, nakaka-OT naman kasi.

“Pero ako yung ginawa ko lang sa bahay ni Kuya, lumaban talaga ako ng bonggang-bongga.

“Kahit malungkot, nalulungkot na ako, naho-homesick na ako.

“Kasi parang ganun din ang nangyari sa akin. Di ba, ibang bansa yung Vietnam? “Ako din, laki ako’ng Japan pero umuwi ako ng Philippines, yung parang hindi mo… kasi hindi naman talaga po ako lumaki dito sa Philippines.

“Pero nilabanan ko yung lungkot, nilabanan ko yung lahat ng emosyon na negative sa akin para lang makayanan ko sa loob ng bahay ni Kuya, kung ano pa yung makakayanan ko.

“Kung ano pa yung maipapakita ko sa madlang people, sa mga tao na hindi lang ito yung kaya ko, actually yung ganun.

“So talagang masasabi ko lang, laban! Laban lang at saka tatag ng loob.”

Nakausap namin si Miho sa taping ng Funny Ka, Pare Ko sa studio ng ABS-CBN nitong Lunes, July 25.

Sina Miho at Tommy Esguerra (na boyfriend at ka-loveteam ni Miho sa PBB) ang latest addition sa cast ng Funny Ka, Pare Ko na pinagbibidahan nina Karla Estrada at Bayani Agbayani na umeere tuwing Linggo sa Cine Mo! channel ng ABS-CBN TV Plus.

Sulit naman ang paglaban ni Miho dahil nga siya ang tinanghal na Big Winner last year sa PBB.

Kung makakausap niya ng personal si DJ Chacha, ano ang sasabihin ni Miho dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sasabihin ko sa kanya, ‘Bakit ka sumuko agad?’

“Ano ang rason?”

Pagka-miss sa anak ang dahilan ni DJ Chacha sa paglabas sa bahay ni Kuya.

“Anak… naiintindihan ko siya pero dapat pa niyang… kung talagang mahal niya yung anak niya dapat lumaban pa siya kasi maganda naman ang kakalabasan, e.

“Pero kung hindi rin, at least sinubukan niya. Yung ganun.”


STARSTRUCK BY KARLA AND BAYANI. Samantala, masayang-masaya si Miho na napasama ang ToMiho (Tommy at Miho tandem) sa Funny Ko, Pare Ko kasama sina Karla at Bayani.

“Masaya po ako, at saka meron din pong sinusubaybayan yung mga fans sa amin every Sunday ng 9 pm so parang nakikita na rin po kami ng mga tao.”

Nae-enjoy raw nila ang taping nila dahil mababait ang mga kasama nila sa show.

Inamin ni Miho na sa unang araw ng taping nila ay natulala siya habang ka-eksena sina Karla at Bayani.

“Hindi po ako nakapagsalita! Yung talagang isang simpleng linya mo lang hindi mo masabi kasi nga naninigas ka sa takot.

“Parang kinakabahan ako na naninigas ako na wala ako sa sarili ko na nate-tense.

“Talagang ganun. Kinakabahan po talaga ako ng bonggang-bongga!”

Tuwang-tuwa naman si Miho ng nakarating sa kanya ang sinabi ni Bayani na natural at mahusay na aktres si Miho.

“Ay, ang saya! Siyempre masaya naman po kasing pakinggan pagka galing po sa sikat na artista, na veteran na artista tapos sila yung magsasabi sa iyo ng good advise so super-masaya para sa akin.”

Ikinumpara pa nga ni Bayani si Miho sa yumaong aktres at komedyana na si Maria Teresa Carlson.

Dahil 23 years old pa lang ay hindi na inabot ni Miho si Maria Teresa kaya hindi niya ito kilala.

Si Angelica Panganiban ang idolo ni Miho sa mga aktres sa ngayon.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN