Is Karla Estrada threatened by the return of Kris Aquino?

IMAGE James Patrick Anarcon

Karla Estrada (in photo), Melai Cantiveros and Jolina Magdangal will be topbilling a Star Cinema movie in the future.



Ang timeslot ng Kris TV ang pinalitang timeslot ng morning show na Magandang Buhay.

Sa pag-alis ng Pilipinas ng controversial TV host na si Kris Aquino, naging maganda naman ang tinakbo ng Magandang Buhay hosted by Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.

Ngayong nakabalik na ng bansa si Kris at kamakailan ay nakipag-meeting sa ABS-CBN, marami ang may speculations na baka bumalik sa morning show at kunin nito muli ang dating timeslot.

Sa interview ng PEP.ph at Cinema News kay Karla sa set visit ng Funny Ka, Pare Ko noong July 25 sa Studio 5 ng ABS-CBN, agad naming hiningan ng reaksyon si Karla kung ano ang gagawin niya kung saka-sakaling mangyari nga na ibigay muli kay Kris ang timeslot ng morning show.

“I'm sure alam din ng ABS kung saan din kami magandang ilagay. Ngayon pa nakakatuwa na namamayagpag ng bonggang-bongga kami. Talagang tuwang-tuwa sila kasi ngayon lang nag-rate ng ganun kataas ang morning show. Pumapalo kami ng 10 pataas, minsan nagdo-dose kami."

Nati-threaten ba sila kung babalik na nga sa Kapamilya network si Kris?

“Threatened? Nakita ninyo naman kami pag napapanood ninyo ang Magandang Buhay, parang lang kaming mga nagsisilaro dun. Okay kami, happy kami.

“Kung ako, di ako nag-aalala, ewan ko lang sa lahat. Hindi ko pa alam kung yan ay totoo kasi medyo matagal-tagal kaming di nagkakausap kasi di ba nagbakasyon siya.

“Kung nasaan man kami ngayon, kung anuman ang trabaho namin, yun ay binibigay sa amin bilang kasama sa kontratang pinirmahan namin sa ABS. Lahat yun ay trabaho, ang nagdesisyon lahat nun ay boss, wala kaming desisyon dun kung saan kami nakalagay ngayon.

“Of course, lahat naman, e. Kahit kay Daniel [Padilla, her son], nasabi ko, 'Anak maging masaya tayo sa lahat kasi bibigyan natin lahat ng chance na bumongga din.' Gusto mo ba lahat nakatanghod na lang sa iyo at hingi ng hingi, di lang ito mga artista ha pati din lahat ng pamilya mo. Di ba natutuwa ka pag maganda kasi nababawasan ka rin ng tinik, ng obligasyon. Yun naman pagdating sa showbiz, ganun din ang pananaw ko.”

Agad ding tinanong si Karla kung may komunikasyon ba sila ni Kris ngayong nakabalik na ito ng bansa.

“Bago siya umalis I texted her and nag-ano naman kami nung paalis siya. Kami naman ni Kris di kami mapag-usap sa telepono. Eversince everytime na magkikita kami, that’s when we talk a lot of things, e, nagkataon di kami masyadong nagkikita.”


ON BAYANI AGBAYANI. Napapanood sa sitcom na Funy Ka, Pare Ko ng Cinemo ang kapareha ni Karla na si Bayani Agabayani. Sa kabila ng magandang feedback at mainit ding pagtanggap dito ng mga manonood, di kaya naiisip ni Karla na ilipat sila sa ABS-CBN para mas marami ang makapanood sa kanila?

“Di sa amin dapat manggaling yun kasi magmumukha naman kaming mga walang utang na loob. Parang baby nila kami so with respect kung saan kami nanggaling, ako di ko kayang sabihin yun. Kung maglilipat man o kung anuman ang mangyari, yun ay pagdedesisyunan ng mga boss dito."

Dahil si Bayani Agbayani ang leading man niya, nagbiro pala si Karla kay Ms. Cory Vidanes, isa sa mga big boss ng ABS-CBN na bakit parang di siya nabibigyan ng guwapong kapareha gaya ng iba.

“Sinabi ko ‘yan kay Tita Cory, tawa siya ng tawa. Sabi ko, 'Bakit parang papangit ng papangit ang mga leading men ko?' Sabi ko nga bago siya isalang pa-nose lift muna siya. Hahahaha!

“Kami kasi ni Bayani, marami kaming pagkakataon na nakakapagkuwentuhan kasi kapag masayahin kang tao, ang gusto mong kausap masayahin din. Itong si Bayani kasi nga mayroong common friends, so marami kaming pagkakataoan na may mga parties na nagsasama, nagkikita-kita.

Kilalang isang mahusay na komedyante si Bayani, kuwento ni Karla ay inaral niya pala talaga ang punchlines at pagbibitaw ng linya ni Bayani para nakakasabay siya dito.

“Ako pinag-aralan ko yung bitaw niya para may timing ako sa mga bitaw niya.

“Ang hirap kasi pag normal kang makipag-usap, loka-loka ka di ba? pero kasi pag inacting mo, awkward. So minsan hahanapin mo kung paano ka bibitaw na magiging normal ka dahil ‘yung pinaka the best talaga na acting is natural acting.

Isa sa bagong karakter na papasok sa Funny Ka, Pare Ko ay ang magkasintahan at former Pinoy Big Brother housemates na si Tommy Esguerra at Miho Nishida.

Welcome na welcome naman para kay Karla ang pagpasok ng dalawa.
“Masaya at least may guwapo sa set. Saka tamang-tama kasi parang bulol eh siya naman Japanese na bulol mag-Tagalog o mag-English.

Marami ang nag-aabang kung kailan daw kaya magge-guest sa Funny Ka, Pare Ko ang anak na si Daniel Padilla. Ayon kay Karla sa ngayon ay naghahanap pa sila ng schedule dahil sa shooting nito para sa pelikula nila ni Kathryn Bernardo.

“Oo ni-request ko, I think sa last day namin ng second season. Di nga kasi masingitan ng schedule dahil patuloy na nagsu-shooting ngayon from Barcelona hanggang sa umuwi sila dito."

Marami ang kinilig at naguwapuhan kay Daniel sa bago nitong buhok ngayon. Nag-trending pa nga sa social media ang pagpapagupit ni Daniel na mukhang hudyat na raw ng untiu-unti nitong pagma-mature bilang isang aktor.

“Oo nga naloka nga ako kasi yung isang kaibigan namin tumawag kahapon, sabi niya, 'Kung anu-ano na ang ginagawa ko para mag-trending. Yung buhok lang ng anak mo, trending na.' Buhok lang yun nag-trending. Nag-mama, in preparation yun for the movie kasi papunta na dun. Para laging may bago and paghahandaan mo lagi ang mga magagandang roles, pamature na ng pa-mature. Si Daniel nag-iisip niyan, di nga ako.”

Handa na ba ang anak niya para sa mature roles?

“Mature roles? Sigurado totodo yan ng mga 26 [years old]. Ngayong 21 hindi pa masyado, mayroon pa tayong mga 4-year-old na fans.”

Sa sunod-sunod na mga projects na ginagawa ni Karla sa ngayon kung saan mayroon siyang morning show, sitcom at ngayon nga ay pelikula, nagpapasalamt naman ang tv host/actress sa mga trabahong pinagkakatiwala sa kanya ng Kapamilya Network.

“Nakakatuwa kasi ang gaan ng mga binibigay nila sa akin sa kabila ng kabigatan ng katawan ko. Twenty years din ang sacrifice ko na ‘yun, nakakatuwa lang na at least di pa ganun katanda ang edad ko, I’m only 41 nang naibigay sa akin na mag-relax sa buhay.

“Kaya siguro tinodo ako ng Diyos nung araw, sinabi niya, “gumapang ako sa lusak, magsakripisyo ka ng bonggang-bongga , manganak ka ng apat,” kasi pagkatapos nun magbubunga din ng maganda ang lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN