Cesca Litton co-hosts "Philippines' Scariest Challenge" with Jomari Yllana


"Nang makausap ko sila [guest celebrities], sabi nila, maynakita raw sila. Like may naglalakad na nakaputi, may dumadaing, at kunganu-ano pa. Pero hindi ko sinabi sa kanila na may nakaputi roon dahillahat ng crew ay pinagsuot namin ng black, para hindi sila matakot," says Cesca Litton about guest celebrities of Philippines' Scariest Challenge.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang TVhost na si Cesca Litton last Friday, August 15, sa Annabel's restaurant saTomas Morato para sa kanyang bagong show sa TV 5, ang Philippines' ScariestChallenge. Unang nakilala si Cesca bilang isang sportscaster, having workedwith ABS-CBN Sports, hanggang maging VJ din siya sa MTV noon.

May pinagmanahan naman sa paghu-host si Cesca dahil loloniya ang mahusay na celebrity host na si Johnny Litton, na kapatid ng kanyanglolo. Pero ngayon that she's with TV5, first time niyang mag-handle ngisang horror-reality show, ang Philippines' Scariest Challenge, which willpilot on August 22 at 6 p.m. Co-host niya rito ang aktor na si Jomari Yllana.

Bakit niya iniwan ang pagiging sportscaster and VJ?

"Ayoko rin namang ma-typecast sa isa lamang trabaho,gusto ko namang mag-try ng iba," nakangiting wika niCesca. "Kaya nang i-offer sa akin ang paghu-host ng Philippines'Scariest Challenge, naisip kong iba ito, kahit sa totoo lang, matatakutinako."

Hindi kaya tinanggap niya ang show para ma-overcome niya angpagiging matatakutin niya?

"Siguro, isa na rin ‘yon," sagot niya. "But I'minterested kung paano gagawin ang show, at first time ko rin namang makakasamasi Jomari, although kilala ko na siya dahil may nababasa na rin naman akotungkol sa kanya. Nag-meet na kami noongpictorial namin, pero we scarcely meet sa studio."

Paano ginagawa ang show?

"Si Jom, siya ang nasa studio; ako ang sumasama salocation. Okey lang naman sa akin dahil hindi naman ako ang pumapasok savenue. Ang mga contestants ang pumapasok doon, may head camera sila paramakita nila ‘yong lugar kahit madilim," lahad niya.

Sa first episode ng Philippines' Scariest Challenge, saisang abandoned military hospital sa Clark ang location nila. Special guestcelebrities nila sina Ara Mina, Alessandra de Rossi, at ang Brazilian model na siArianna Barouk.

"Nang makausap ko sila [guest celebrities], sabi nila, maynakita raw sila. Like may naglalakad na nakaputi, may dumadaing, at kunganu-ano pa. Pero hindi ko sinabi sa kanila na may nakaputi roon dahillahat ng crew ay pinagsuot namin ng black, para hindi sila matakot. Nakataposna kami ng three episodes and I'm enjoying my work," kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon ay nagho-host siya ng isang reality show, maypossibility ba na mag-try rin siya ng acting sa mga soap operas?

"Open ako sa possibility na makasama sa isang soap,"sagot ni Cesca "Noong nasa college kasi ako, nag-workshop na ako saTrumpets. Kaya lang, hindi ako natuloy gumawa ng play dahil nag-sportscaster naako. Hopefully, makabalik pa rin ako sa Trumpets."

Paano na ang lovelife niya kung magiging busy siya?

"No problem, dahil at 25, my boyfriend na ako; he's adoctor. Hindi ko ipagkakaila ‘yon. At okey naman sa kanya ang trabaho ko,"sabi ni Cesca.

But it seems, hindi pa rin maiiwanan ni Cesca angsports dahil hindi nagtagal ang pakikipag-usap ng PEP sa kanya, nagpaalam siyadahil pupunta pa raw siya sa Antipolo City dahildoon niya gagawin ang Olympics Updates for Solar Sports.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN