Ryan Agoncillo on bond of Eat Bulaga Dabarkads: "Yung friction non-existent 'yan."

IMAGE Noel Orsal

Halos kaedaran na daw ni Ryan Agoncillo ang Eat Bulaga! kaya naman malaki ang pasasalamat niya na naging bahagi siya sa longest-running noontime show sa bansa.



Sa Sabado, July 30, gaganapin ang ika-37 na anibersaryo ng longest-running noontime show sa bansa, ang Eat Bulaga!

Ayon sa isa sa mga hosts nito na si Ryan Agoncillo, “Ang sarap. Ang sarap na nakasama ka sa 37th anniversary.

"Fan ako ng show, as far as I can remember, I’ve been watching Eat Bulaga.”

July 1979 nagsimulang umere ang Eat Bulaga! at si Ryan ay ipinanganak naman ng April ng kaparehong taon kaya masasabi niyang kaedaran niya ito.

Dagdag pa niya, “As far as I can remember, Eat Bulaga! ang pinapanood namin. And to be part of the 37th year, sarap, kasi alam mo yung mood ko bilang host, fan, host, fan, di ba?

“Kasi minsan may pagkakataon na hindi ako makakapasok, nasa set ako [ng ibang show], nai-enjoy ko pa rin siya, e.

"Masarap din yung napapanood ko siya, tapos ang sarap din na alam mo yung nangyayari sa loob, alam mo yung mga contest.

"It’s a privilege.”

Ano ang mga natutunan niya sa araw-araw na takbo ng show?

Sabi niya, “Madami. Ang dami kong natutunan. Yun lang makasama ko ang TVJ [Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon] araw-araw sa backstage, makinig ka lang sa usapan nila, minsan nakisali-sali ka sa usapan, yun pa lang napakagandang opurtunidad na to learn many things.

“Not just about links in the business, but life in general.”

Sabi rin ni Ryan, bukas daw sa anumang kaalamang puwedeng mai-share sa iba ang mga haligi ng show na sina Tito, Vic, at Joey.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryan sa backstage ng Eat Bulaga! studio sa Broadway Centrum, Quezon City, kahapon, July 28.

Ang nasabing set visit ng ilang miyembro ng entertainment press sa Eat Bulaga! ay bahagi ng gaganaping 37th anniversary celebration ng show sa Sabado, July 30.


“EVERYONE IS VERY TALENTED.” Katulad ng iba pang mga palabas sa telebisyon, may mga inggitan ba o sapawan sa show?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “Ano ‘yan, e, isipin mo na lang na parang championship basketball game. May mga shooter, may mga pang-depensa, may mga pang-rebound.

“Ang maganda sa Eat Bulaga!, everyone is very talented. I think that’s an understatement.

“But also, because we’re together six days a week, and we share so many thoughts, alam namin ang gagawin ng bawat isa.

“May silbi lahat, may gagawin lahat. And I think, it changes every day. Kasi maaring ang portion ko, ito today, bukas iba, dapat alam mo yung gagawin mo.

“Kaya siguro dun nagagawa siguro yung ano… yung friction non-existent ‘yan, e.

"Pero, kaya siguro maganda yung timpla kasi lahat kayang gawin yung dapat gawin.

“There’s a level of excellence that the TVJ demands from everyone who’s around them.”

Ang TVJ ay tumutukoy sa pillars ng noontime show na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.

Isang magandang halimbawa daw nito ang pagkakabuo ng AlDub, ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza kung saan noong mga panahong kinailangan nilang magpakita ng kanilang talento ay nagawa daw nila.

At ngayon, isa ang kanilang tambalan sa pinakasikat na love teams sa bansa.

Pagtatapos ni Ryan, “I’m very fortunate to be part of a championship basketball team that has the right ingredients.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN