Megan Young compares her new teleserye character to being Miss World

IMAGE Noel Orsal

Aside from teleserye with Dingdong Dantes, Megan Young (in photo) is also working on a movie Ai-Ai delas Alas titled Super Yaya.



Handa na ulit si Miss World 2013 Megan Young na gumawa ng panibagong teleserye pagkatapos niyang magbida sa Marimar na natapos noong January 2016.

Sa bagong untitled primetime teleserye ni Megan, makakasama niya ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Ito ang unang teleserye na makakasama niya si Dingdong. Nagkasama na sila last year bilang mga hosts sa reality artista-search ng GMA-7 na StarStruck Season 6.

Sa naganap na story conference sa GMA Network Center noong nakaraang August 2, nasabi ni Megan na excited na siyang makasama sa isang teleserye si Dingdong.

“Unang-una, noong sinabi sa amin na may teleserye kaming gagawin with Dingdong, I was very thankful kasi, siyempre, they entrusted me with another project, and alongside such big names in the industry.

“Aside from Dingdong, we have other great character actors that we'll be working with.

“I was very thankful that they kept me in mind for such a great project,” ngiti pa niya.

Bukod kay Dong, kasama rin sa teleserye ang 2016 Cannes Best Actress Jaclyn Jose na co-star noon ni Megan sa Marimar. Kasama rin sa cast sina Andrea Torres at Sid Lucero.

Tamang-tama lang daw ang pagbigay sa kanyang ng teleserye dahil matagal siyang nakapagpahinga at ready na siyang sumabak sa taping.

“It's great to be back on television after Marimar.

“Medyo matagal-tagal din akong nag-break, which is good kasi I got to focus on doing movies and my business.

“Happy ako na there was time allotted for me to do other things.

“Excited na akong mag-taping ng three times a week ulit!” tawa pa niya.

May natapos ngang pelikula si Megan sa ilalim ng Regal Entertainment titled Super Yaya kunsaan bida si Ai-Ai delas Alas.

Kasalukuyan namang napapanood si Megan sa comedy series na Conan, My Beautician with Mark Herras.

Sa bagong teleserye role ni Megan, nakaka-relate raw siya sa karakter dahil mayroon rin itong mga advocacy na ginagawa para sa mga nangangailangan.

“Nakakatuwa kasi parang Miss World siya sa teleserye, so may advocacies rin yung character ko rito.

“She's working towards helping other people more than herself.

“Nakakatuwa kasi marami akong mapaghuhugutang experiences.”




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN