Iza Calzado happy for Angelina King's newfound freedom after coming out

Iza Calzado admits having a tough time feeling her way through her role as a mom of three kids in the new ABS-CBN teleserye, The Second Wife. She hopes to resume acting studies abroad next year.



Naging ex-boyfriend ni Iza ang businessman na si Atticus King, kapatid ng transwoman na si Angelina Mead King, na kilala noon bilang si Ian King at asawa ng model na si Joey Mead.

Nang ilabas ni Angeline ang tungkol sa kanyang tunay na pagkatao, isa si Iza sa mga nag-post ng mensahe sa kanyang social media account na nagpapakita ng suporta kay Angelina at Joey.

“I’m family to them.

“Oo naman, kasi matagal ko nang alam yung tungkol kay Ian, well, Angelina.

“Nung lumabas yung tungkol dun, I was very happy that finally they have their freedom,” kuwento ni Iza sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

THE SECOND WIFE. Kasama rin si Iza sa cast ng teleseryeng The Second Wife kunsaan makakasama niya sina Bea Alonzo, Ian Veneracion, JK Labajo, Vin Abrenica at marami pang iba.

Ayon kay Iza, napaka-challenging para sa kanya ng role na ginagampanan dito.

“Actually, isang beses pa lang akong nagte-taping for the soap. I think nagte-taping pa sila.

“Tapos na ako sa mga scenes ko sa first week. Exciting.

“Unang-una sa lahat, ito na yata yung role na... ang hirap, kasi di pa naman ako nanay, tapos tatlo na agad ang anak ko dun.

“Paano ko titimplahin yung mayroon kang anak na seventeen, eighteen?

“Mayroon akong brother na around the age of JK [Labajo], so hayun medyo nakaka-identify ako sa role.

“Tapos, mayroon kang around seven or eight year old na kid so it’s going to be quite challenging.

“Kakaiba yung dynamics namin dito, e.

“Yung character ko rin dito kailangan kong timplahin ng mabuti kasi di siya masama.

“She’s actually a very gracious person, she just needed to let go of Ian for her own self fulfilment.

“Kasama na rin dun yung kids, so siyempre, medyo nahihiarapan na ako.

“Kung ako ba naging nanay, kaya ko bang iwanan ang mga anak ko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mapapaisip ka rin.

“Paano mo mamahalin ang mga bata kung di mo pa fully napapatupad yung para sa sarili mo.

“So ang galing ng dilemma ng character.

“Confrontation scenes? Wala pa, matagal pa yun.

“Mayroon yun, pero I think di siya magreresulta sa bonggang-bongga sampalan, dahil si Bea dito ay di mistress.

“She’s the second wife, she’s madrasta basically. Dsyfunctional family set up.”

Bagamat itinuturing siya bilang isa sa pinakamahusay na aktres ngayon, nag-aaral pa rin si Iza ng acting sa ibang bansa.

“That was few months ago, tapos na siya but I’ll do that again next year,” lahad niya.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN