Ogie Alcasid impressed by ABS-CBN's ASAP: "Nabibilib ako."

IMAGE Noel Orsal

Ogie Alcasid praises ABS-CBN's ASAP for coming up with impressive production numbers. The singer-songwriter also attests to the popularity of ABS-CBN's ASAP abroad.



Puring-puri ni Ogie Alcasid ang Sunday noontime variety show na ASAP ng ABS-CBN dahil sa husay ng programa sa paggawa ng production numbers.

Noong July 3 episode ng ASAP, kasama si Ogie sa mga nag-perform sa isang production number na kinabibilangan ng iba pang Pinoy singers bilang tribute kay Ryan Cayabyab.

Ibinahagi pa ni Ogie na kahit nang magpunta siya sa U.S., nasaksihan niya kung gaano kasabik ang mga OFWs (Overseas Filipino workers) na mapanood ang show.

“Sobra kasi iba talaga sila gumawa production number. I have to give it to ABS-CBN,” kwento ni Ogie sa press conference ng kanyang upcoming concert na Ayokong Tumanda sa August 26-27 sa Music Museum.

Ginanap ang presscon nitong Martes, August 9, sa Ryu Ramen sa Tomas Morato.

Dugtong ni Ogie, “Talagang when I was in kasi [the U.S.] galing akong New York tapos pinromote namin yung TV5 and I knew that ASAP was going to have a concert there.

“Parang two weeks [before the show. Sold out na tapos excited na lahat ang mga tao. Yung mayayanig ka sa, ‘Wow. Grabe.’

“Ang galing lang. Ang galing ng foresight ang galing ng tanggap ng audience nila. Nabibilib ako.”

Asked about the possibility of him joining ASAP in the future, Ogie hesitated before he answered, “Di ko alam. Di ko masabi.”

However, he is thankful to people, who complimented him for his guest appearance on the said variety show some weeks ago.

“God bless those guys who keep tweeting me, ‘Bagay na bagay kayo diyan.’ Andami kong natatanggap na gano’n. I mean that’s all very nakakataba ng puso.

“Pero hindi ko pwedeng pabayaan yung mga responsiblidities ko pa ngayon.

“But it’s very flattering. Tulad yung kay Ms. Charo [Santos-Concio], pinayagan ako ng TV5 to do that at naisipan ni Miss Charo na isama ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy ni Ogie ay ang pagkakasama niya sa album na MMK Life Songs bilang bahagi ng 25th anniversary celebration ng Maalaala Mo Kaya.

Maging sa GMA-7 ay thankful din si Ogie dahil lumabas siya sa 20th anniversary ng Kapuso gag show na Bubble Gang kung saan isa siyang mainstay dati.

“At the same time sa GMA ganon din nung nag 20th anniversary yung Bubble Gang andun din ako. Di nila ako pinababayaan.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN