Yassi Pressman defends ex-PBB Lucky Season 7 housemate Elisse Joson

IMAGE Noel Orsal

Yassi Pressman admits that she has been a fan of Pinoy Big Brother since it started.



Matapos lumabas sa Pinoy Big Brother: Lucky Season 7, balik trabaho si Yassi Pressman para sa press conference ng kanilang upcoming movie na Camp Sawi.

Kasama niya dito ang co-stars na sina Kim Molina, Andi Eigenmann, Bela Padilla, Arci Munoz at Sam Milby.

Sa press con ng Viva Films movie na ginanap sa Le Reve Pool and Events Place noong August 10, kinuwento ni Yassi ang naging experience niya sa pagiging housemate ng PBB Lucky Season 7 sa loob ng almost 30 days.

Marami ang nagtatanong kung bakit kinailangan mo pang pumasok sa PBB House samantalang may career ka naman na?

Yassi: “Sa akin kasi, hindi siya kung anong level ko na bilang artista or bilang tao, pumasok lang rin ako doon dahil una, gusto kong ma-experience maging housemate, dahil napapanuod ko yung show at fan ako ng PBB sa simula pa lang. When I got in, saka ko palang na realize na sobrang iba pala talaga kapag nandun ka na sa loob ng bahay ni Kuya. Hindi mo siya maikukumpara sa kahit anong experience na magagawa mo outside.”

Pero hindi ka ba nag-expect na maging Big Winner?

Yassi: “Hindi po, kasi hindi naman po talaga yun ang goal ko sa pagpasok ko ng PBB House. Ang goal ko talaga doon ay magkaroon ng marami friends pa, sa loob ng Bahay ni Kuya and to experience kung ano ba ang ginagawa sa loob ng Bahay ni Kuya, sino ba si Kuya at ano ba ang pakiramdam pag narinig mo ang boses ni Kuya?”

Ano ang nagawa ng PBB sa career at pagkatao mo?

Yassi: “More than ever, na-appreciate ko lahat lahat ng bagay. Nawalan ako ng work dati, noong nagkaroon ako ng work ngayon, sobrang pinapahalagahan ko lalo siya. Never akong nale-late, ginagawa ko yung mga bagay hangga’t makakaya ko. Sa loob ng bahay ni Kuya, maraming mga bagay na nawala rin sa amin, lalo na kapag natalo kami sa task at sa mga challenges ni Kuya, wala muna kaming food for a certain time. Yung mga ganun na, paghihirapan mo talaga lahat ng challenges, kasi kapag nagawa mo yun ay may reward. Grabe talaga yung ways of teaching sa loob ng PBB House na talagang magugulat ka.”

Anong yung isang bagay o pangyayari sa PBB House na hindi mo malilimutan at masasabi mong nahirapan kang gawin?

Yassi: “Yung sa Vietnam ay yung wala ka talagang contact sa family mo. Kasi marami naman sa atin ang umaalis papuntang ibang bansa ng matagal, pero kailangan natin silang kontakin or mag-send ng picture or video. Yung mawalan ka ng control of everything lalo na kung gusto mong mag good night or good morning na wala kang ganun, medyo nakaka homesick talaga lalo na’t nag-iisip ka kung okay ba sila or hindi.”

Ano yung usual na ginagawa mo sa labas ng bahay ni Kuya nang pumasok ka sa loob ay na miss mo dahil hindi mo na nagagawa?

Yassi: “Aside from my family, isa siguro yung makita yung mga dogs ko, isa pa din ay yung mag boxing at yung trabaho ko din. Actually, yung social media hindi ko na-miss. Ang na-miss ko lang ay yung makausap yung mga fans ko at makipag-interact sa kanila sa Twitter or Instagram, kasi mahilig akong magbasa ng messages nila, pero hindi ko hinanap na mag-post ng picture or video.”

Alam naman nating lahat na marami ka nang fans pero nadagdagan ba yung fan base mo lalo na noong pumasok ka sa bahay ni Kuya? Nadagdagan ba yung followers mo sa Twitter, sa Instagram at sa Facebook?

Yassi: “Yes, bago ako pumasok ay 1.7 million lang ang followers ko sa Instagram, pag-check ko paglabas ko naging more than 1.8 million na, that’s a lot also. Malapit na ring mag 1 million yung Twitter ko. Isa pa, 'pag naglalakad po ako dati sa mall or in public place, marami namang lumalapit, pero after PBB mas marami pa talagang nagpapapicture, sobra!”

Ano sa palagay mong attitude or personality ang ipinakita mo doon sa loob ng PBB House na hindi nakita sa 'yo ng mga fans mo before dito sa labas?

Yassi: “Example dito sa Camp Sawi, ang role ko rito ay si Jessica na isang anak mayaman, sobrang maarte at kikay na kikay. Iba po siya sa tunay kong personality. Yung mga ganyang role, sobrang love ko kasi ibang iba sa tunay kong pagkatao, hindi nila nakikita yung totoong ako. Sa loob ng bahay ni Kuya nakita nila yung tunay na ako na simple lang at walang arte sa katawan.”

Si Elisse Joson ay naging controversial co-housemate mo sa PBB Lucky Season 7. May mga nagsasabi na manggagamit daw siya para sumikat. Bilang mas kilala mo si Elisse, anong masasabi mo dito?

Yassi: “Actually, wala naman akong karapatang magsalita tungkol doon kasi hindi naman ako kasali. Pero gusto ko lang pong sabihin na mabait po talaga si Elisse noong nakasama ko siya sa loob. Siguro, dahil meron lang mga nangyari dati kaya lumabas ang mga negative comments na ganyan. Pero kapag nakilala niyo po siya, she’s kind and she’s caring.”

Anong masasabi mo sa tambalang McCoy de Leon at Elisse na binansagan bilang McLisse? Sa palagay mo totohanan na ba yun sa tunay na buhay?

Yassi: “Kami kasing co-housemates nila, inaasar namin silang dalawa simula pa lang nung first day, kasi unang una wala kang masyadong gagawin sa bahay ni Kuya, kaya sila yung ginawa naming libangan. Nagsimula sa panunukso namin, mga ilang days napansin namin na parang meron na rin yata silang nararamdaman sa isa’t-isa.”


(Read: Bela, Andi, Arci, Yassi, Kim compete for Sam Milby's attention in Camp Sawi)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN