Yassi Pressman: "Maraming naka-lineup na project sa akin ang ABS-CBN."

IMAGE Noel Orsal

James Reid told Yassi Pressman that he is proud of her for being part of Pinoy Big Brother.



Matapos ang sampung taon sa GMA-7 at TV5, naging bahagi si Yassi Pressman ng ABS-CBN reality talent show na Pinoy Big Brother: Lucky Season 7.

Nang makausap siya ng media sa press con ng upcoming movie na Camp Sawi, natanong si Yassi kung hindi na ba siya gagawa ng project sa GMA-7 at sa ABS-CBN na siya makikita?

Ayon sa talent ng Viva Artists Agency, "Siguro po, alam ko po kasi hindi pwedeng gumawa ng project or anything sa GMA-7 habang may project ako dito sa ABS-CBN.

"Pero happy naman po ako ngayon kung nasaan ako ngayon. Kasi marami namang naka line-up na project sa akin ang ABS-CBN. Abangan na lang po nila."

Nagkita na ba kayo nina James Reid at Nadine Lustre pagkalabas mo ng PBB Lucky Season 7? Anong sabi ni James sa 'yo bilang galing din siya sa PBB House dati?

Ani Yassi, "Yes, pagkalabas na pagkalabas ko ng bahay that Friday night dumiretso na ako sa kanila. Nag-text ako sa kanila na 'Uy, I'm out of the PBB house.' Sabi nila, 'We're leaving for Greece on Monday, come here now' kaya pumunta na ako sa kanila.

"Nag-usap kami, James said to me that he is proud of me and he also said that he is happy for me that I went for it."


(Read: Bela, Andi, Arci, Yassi, Kim compete for Sam Milby's attention in Camp Sawi)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN