Tubig at Langis ending rushed for Isabelle Daza's wedding; Vivian Velez happy for her former show

IMAGE Ruel Mendoza (Ruel) / From instagram account of Lala Flores

ABS-CBN Business Unit Head Ruel Bayani admits that management agreed to rush the ending for top-rating teleserye Tubig at Langis for the sake of Isabelle Daza's forthcoming wedding: "Ayokong i-deny 'yon. Malaking factor si Belle. We love Belle so much. Ang feeling ko, ibigay na natin. Ibigay na natin, ikakasal siya, magha-honeymoon siya. Let her enjoy her new life."



Kinumpirma ng ABS-CBN Business Unit Head na si Ruel Bayani na may kinalaman ang nalalapit na pagpapakasal ni Isabelle Daza sa desisyon nila na tapusin na ang Kapamilya afternoon drama na Tubig at Langis. Ito ay sa kabila ng pagiging mataas ang TV rating nito mula noong nag-umpisa ito noong February 1, 2016 at hanggang sa pagwawakas nito sa susunod na buwan.

Pinaliwanag ni Bayani, na kilala rin bilang Direk Ruel, ang tunay na dahilan sa thanksgiving presscon ng Tubig at Langis na ginanap ngayong hapon sa ELJ Building ng ABS-CBN.

“All in all, ang akala namin, baka hindi pa makaabot ng 13 weeks ang Tubig at Langis and we end in 32 weeks.

“Sa totoo lang, ang gusto ng management, patagalin pa.

“Pero we decided to... I will be honest, Isabelle is getting married, and of course, we wanted to give Belle yung time na hindi siya mapi-pressure.

“Kaya yung istorya rin, nag-abot-abot na, pineak na namin.

“Hindi na namin dinelay, that’s why nag-reflect sa ratings, kasi hindi na namin ini-stretch, talagang pinaputok na namin.

“Ayokong i-deny ‘yon. Malaking factor si Belle. We love Belle so much.

“Ang feeling ko, ibigay na natin.

“Ibigay na natin, ikakasal siya, magha-honeymoon siya. Let her enjoy her new life,” pagtatapat niya.

(View: Legal Wife versus Mistress Showdowns in Pinoy TV shows and movies)


WILLING TO WORK WITH VIVIAN AGAIN. Napag-usapan din sa thanksgiving presscon ng Tubig at Langis si Vivian Velez, isa sa mga main character ng afternoon soap na nagpaalam dahil sa naging alitan nila ni Cristine Reyes.

Sinabi rin ni Direk Ruel na handa siya na muling makatrabaho si Vivian na tinawag niya na isang amazing actress.

Aniya, “Oh yes, she’s an amazing actress. I’d love to have her again, she’s a good person, believe me.

“It was just unfortunate, but lahat kami sa team ay naniniwala na we will be working each other again.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In fact, nakarating sa akin thru Nadia [Montenegro] that’s she’s sincerely happy for the show and yun ang gusto kong sabihin.

“Para sabihin niya yun, ibig sabihin, masaya siya for us dahil alam niya na ang tagumpay na ito ay malaking bahagi siya.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN